ABS-CBN, UMARANGKADA SA USTV STUDENTS CHOICE AWARDS!

ABS-CBN, UMARANGKADA SA USTV STUDENTS CHOICE AWARDS!
By night owl on 12:31 AM

http://kapamilyanewsngayon.blogspot.com/2010/02/abs-cbn-umarangkada-sa-ustv-students.html

Muli na namang namayagpag at humakot ng awards ang ABS-CBN sa katatapos lang na USTv Students Choice Awards na inorganisa ng University of Santo Tomas matapos itong magwagi ng 19 sa 28 kategorya para sa natatangi at values-oriented nitong mga programa at personalidad.

Nakuha ng primetime princess na si Kim Chiu ang kanyang kauna-unahang best actress award ng siya ang mapiling Students Choice of Actress in a Daily Soap Opera para sa kanyang pagganap bilang Audrey sa teleseryeng “Tayong Dalawa” na siya naman nag-uwi ng parangal bilang Students Choice of Daily Local Soap Opera.

Sa unang pagkakataon rin ay tinanghal si Zaijian “Santino” Jaranilla hindi bilang best child actor, kung hindi bilang best actor ng siya ang nanalo ng Students Choice of Actor in a Daily Soap Opera. Talaga namang ikinagalak ng mga manonood ang pagtanggap ni Zaijian ng award dahil ang mismong kalaban sa kategorya na si Gerald Anderson ang sumama at nagbuhat sa kanya.

Isang special citation naman ang iginawad ng UST sa top-rating na primetime serye na “May Bukas Pa” para sa pagpapamalas at pagpapalaganap nito ng makabuluhang Catholic values sa mga kabataang manonood.

Samantala, pinatunayang muli ni Pop Princes Sarah Geronimo na buo ang suporta sa kanya ng mga kapwa-Tomasino niya ng siya muli ang nagwagi para sa Students Choice of Local Music Video Performer.

Kabilang pa sa mga entertainment programs na nakuha ang kiliti ng mga estudyante ay ang “George and Cecil” para sa Students Choice of Situational Comedy, “Maalaala Mo Kaya” para sa Drama program, “ASAP 09” para sa Talk Variety program, “Showbiz News Ngayon (SNN)” para sa entertainment News program, “The Singing Bee” para sa Game show, “Boys Over Flowers” para sa Foreign Soap Opera, “Naruto” para sa Full Animated program, at sa “Kape’t Pandasal” para sa Catholic program.

Para naman sa News and Current Affairs group, wagi si Korina Sanchez para sa Students’ Choice for Female-News and Current Affairs Host; Ted Failon para sa Male-News and Current Affairs Host, “TV Patrol World” para sa Local News and Current Affairs program, at ang “Matanglawin” para sa Educational Program.

Nag-ambag din ang ABS-CBN’s subsidiary na Studio 23 sa pangunguna ng Kapamilya sa UST ng muli na namang nakuha ng “Y-Speak” ni Bianca Gonzales ang parangal para sa Public Affairs program category habang ang pagpapalabas nito ng mga laro o laban sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang hinirang na Students Choice of Sports program.

Mas lalo pang niyanig ng ABS-CBN ang gabi ng dalhin nito ang hosts ng top-rating na morning talent show na “Showtime” na sina Kim Atienza, Jugs at Vice Ganda kasabay ng dalawang finalists ng programa para mas lalong madama at mangibabaw ang enerhiya ng “Showtime” sa jam-packed na Medicine Auditorium ng UST.

Kasama din sa mga Kapamilyang nagtanghal sina Erik Santos, Gigger Boys na sina AJ Perez, Robi Domingo, Dino Imperial, Aaron Villaflor, at Sam Concepcion, at ang Songbees ng game show na “The Singing Bee” na kinabibilangan nina Apple Chiu, OJ Mariano, Michael Cruz, at MC Castro.

Ang USTv Student’s Choice Awards ay isang award giving body sa pangunguna ng Office of the Secretary General ng University of Santo Tomas, na magdiriwang na ng kanilang ika-400 taon sa 2011. Ito ay kasalukuyang nasa ika-anim na taon at naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga programa at personalidad na nagtataguyod ng Thomasian values at Catholic teachings.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s