Tamang panahon sa pagsabak ni Erik Santos sa pag-arte

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Pilipino Star Ngayon
July 23, 2010 12:00 AM

Hindi hiniling ni Erik Santos ang maging bida sa isang dramang palabas ng ABS-CBN. Kung ginusto niya, seven years ago, umaarte na siya. At baka isa na sa mga in demand na mga leading men sa Kapamilya network, at baka maging sa pe­­likula. Pero tumanggi siya. Kinukuha siya para gampanan ang sarili niya sa pagsasadula ng kan­­yang buhay sa Maalaala Mo Kaya pero ayaw niya, kaya si Jericho Rosales ang naging Eric Santos sa isang episode ng MMK pitong taon na ang nakakaraan.

“Hindi pa ako kilala nun, kapapanalo ko pa la­mang sa Star In A Million. Sabi nga ng writer na sumulat ng aking istorya (Mel del Rosario) starlet pa lamang daw ako nun. Pero totoo, kaya hindi pa ako handa. Lahat naman ng pangyayari sa bu­hay ko, right timing lahat, including ‘yung pagkanta ko, at itong pag-aartista ko.

“Mas mahirap palang umarte kesa kumanta, pati paglunok ko kapag umaarte ako, may mea­ning. Buti na lang, pinapag-acting workshop ako, one on one kay Ms. Laurice Guillen. Tapos kaming dalawa ni Kristel (Moreno, his leading lady in the episode) winorkshop din ni direk Mae Cruz para maging pamilyar kami sa isa’t isa.

“Three consecutive days kaming nag-taping sa Macau. Grabe ang hirap. Pero fully supported ako ni Direk Mae. Alam n’yo ba na siya rin ang nagdirek nung istorya ko sa MMK? Kaya very pa­tient siya sa akin. Palagi niyang tinatanong kung ready na ako, pag hindi pa, binibigyan niya ako ng oras para makapag-internalize. Hindi naman ako gaanong nahirapan, madali kong nailalagay ang sarili ko sa character na aking ginagampanan. Sa mga kinakailangang emosyon, malaking tulong ‘yung mga naging karanasan ko sa buhay. Tama lang pala na ngayon ako pumayag na mag-artista, kung noon pa, wala akong karanasang mapag­huhugutan.

“Pati ‘yung kissing scene namin ni Kristel na marami-rami rin naman ay madali naming nagawa. Nung una, medyo nagkakahiyaan pa, pero nung magtagal, hindi na. Ang laking suporta ang ibinigay sa akin ni Kristel,” pag-amin ni Erik.

Isang OFW sa Macau ang ginagampanan niya. Nag-apply na singer pero sa housekeeping sa Ve­netian Hotel sa Macau siya napunta. Bukod sa ka­nila ni Kristel, kasama rin nilang gumaganap sa nasabing episode sina Paw Diaz at Jojt Lorenzo.

Tinanong si Erik kung magsisimula na siyang makipagkumpetensiya sa mga katulad niyang singer na nag-aartista rin.

“Hindi, sa singing pa rin ako. Masyado ang pres­­sure sa pag-arte, hindi ko comfort zone. Pa­minsan-minsan lang siguro dahil makakaapekto rin sa pagkanta ko ‘yung madalas na pagpupuyat at sobrang drama, nakakapaos,” paliwanag niya.

As a singer, Erik remains on top of his game. Ang album niyang Erik Santos : The Jim Brick­man Song Book ay patuloy sa pag-arangkada.

Sa halip na 10-10-10 (Oct. 10, 2010) na siya ta­la­gang araw ng kanyang kapanganakan, ma­papaaga ang kanyang birthday concert dahil magkakaroon siya ng European tour. Magaganap ito sa September 24 at 25 sa Meralco Theater.

May offer din sa kanya na isang musical play pero hindi pa niya puwedeng sabihin ang mga detalye tungkol dito.

Advertisement

2 thoughts on “Tamang panahon sa pagsabak ni Erik Santos sa pag-arte

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s