Director Mae Cruz encourages Erik Santos to pursue acting

Director Mae Cruz encourages Erik Santos to pursue acting
abs-cbn showbuzz
by Julie Bonifacio | July 23, 2010 10:43 PM

erik santosRevelation ang sinabi ng mahusay at magandang direktor na si Mae Cruz sa naging performance ng champion singer na si Erik Santos sa kanyang kauna-unahang pagtatangka na sumabak sa larangan ng aktingan sa award-winning drama show na Maalaala Mo Kaya. “Kasi parang ano, e, considering zero experience, I think ang pinaka-experience niya na umarte is sa music videos. In fact, meron kaming isang MV na ginawa together na inabot kami ng madaling araw kasi gusto ko ‘yung parang emote-emote pa siya. And then, ano nga title nu’ng song? Ah, ‘I Will Never Leave You,’” pagalala ni Direk Mae. “Tapos sabi niya kay Tito Boy (Abunda, his manager), ‘Tito Boy, teleserye ata ang ginagawa namin ni Direk Mae.’ Kasi parang napapagod siya na, kasi hindi siya sanay na acting the whole day.”

Na-ishare din ni Direk Mae na nagkaroon sila ng masinsinang usapan ni Erik para makondisyon ito sa mas mahabang ‘akting’. “Uhm, pero dito sa MMK, that’s why we add two days together before mag-shoot na parang we just sat down, sort of workshop, uh, diagnostics. He really ano, walang reklamo. Sobrang professional. Willing maghubad kahit sa kalye. Kung kailangangn magpalit dahil nagmamadali, hahaha!”

Dibdiban daw ang ginawa ng singer sa episode na ito. “Tapos kahit imumaga na kami mag-shoot, doon sa hotel talagang nagmamadaling magbihis. At the same time, inuumaga na, e, ang alam ko hindi ‘yan sanay magpuyat ng ganu’n, e. ‘Di ba ang singer dapat eight hours na sleep for the voice. E, eto hindi. Wala siyang care. Kasi siyempre mina-max-out ‘yung stay doon sa Macau, so, inumaga kami at talagang nakita ko, silang dalawa, actually, ni Kristel (Moreno , Erik’s first leading lady), naduduling-duling na, ganu’n-ganu’n. E, emotional pa ‘yung sequence. Pero uh, wala, walang complaints. In fact, sobrang pleasant,” lahad ni Direk Mae.

Ang first episode ni Erik sa “Maalaala Mo Kaya” ang ika-24 naman ni Direk Mae. “Yung lifestory ni Erik was one of my first MMK’s. Parang ano yata ‘yun, e, around February. Si Jericho Rosales ang nag-portray as Erik pero lumitaw din siya doon. Parang transition form Jericho to Erik taposnag-cut to the actual clip.”

Tinanong din namin ang director kung ano ang eksena pinakamaraming take si Erik. “Yung ano, second sequence namin. Actually, ‘yung second sequence only because first kumbaga, second sequence sa Macau kasi first ‘yun, e. Tapos ang talas ng araw. E, hindi pa siya sanay to control his eyes, very technical. ‘Yung isa pa’ng maraming takes, ‘yung sa kalye na nag-kiss sila, kasi hinahabol namin ‘yung walk, don’t walk. E, 30 seconds lang ‘yun, so, kailangan ‘pag nag-walk ‘yung camera tatakbo in the middle of the street kasi silang dalawa (Erik and Kristel Moreno) gusto ko silang mag-meet halfway. E, minsan maiksi ‘yung time, kaya,‘Isa pa!’Siguro mga 20 times silang nag-kiss sa gitna ng kalsada,” kwento pa ni Direk Mae.

Pagkatapos ng first episode ni Erik sa Maalaala Mo Kaya, would she encourage him na ipagpatuloy ang pag-arte? “Yes, I really would kasi it adds another dimension to him. And then, he has proven himself as a singer, e. Parang this is a new challenge for him and besides, he has the chops for it. So, I think he has potential. For a first timer parang that’s a feat na nagawa niya considering there’s time pressure. Kasi I was (pressured), kaya I asked for a session with them before going to Macau. Kasi ang hirap doon mag-workshop on the set and then, love pa ito. I had to make them meet, get to know each other kasi otherwise, ang hirap mag-getting-to-know sa Macau. We don’t have the time. Pero kami we were there ahead for the pre-production to peg the area. And before we started, kasi I’ve learned from experience ‘yung mga love stories, chemistry ‘yan, e. So, kunyari loveteam, kung loveteam na kayo it’s easy, e, ika-cast nila. E, nu’ng sinabi nila na Erik and Kristel, parang ako, number one I haven’t worked with them pa. Si Erik I have but hindi pa ‘yung sa TV or acting pa talaga. So, chemistry nilang dalawa, kailangan nilang mag-bond. And it will show on screen kung meron na silang bond, e.”

Prinessure ba niya si Erik sa set? “Hindi kasi nu’ng nakita ko siya nu’ng first day namin sa workshop parang nakakita ng multo, eh, hahaha! Namumutla talaga siya at nanlalaki ang eyes niya. Nu’ng pagpasok ko ng room nakita ko siya, e, normally I always see him naman sa mga ano we say hello, ‘yung mukha niya nu’ng nag-hello, ‘Hi, Direk.’ Parang putlang-putla siya. Tapos sabi ko, ‘Have you memorized it?’ Parang ano’ng nangyayari dito? Yun ang itsura niya.”

Mapapanood ang kauna-unahang episode ni Erik Santos with Kristel Moreno sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

One thought on “Director Mae Cruz encourages Erik Santos to pursue acting

  1. hi erik! pwd ka sa acting, pwd maing best actor kasama si sarah, sana magtambal kau sa pelikula, the best yun!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s