Erik Santos says his Maalala Mo Kaya episode is a big career challenge

Erik Santos says his Maalala Mo Kaya episode is a big career challenge
by Julie Bonifacio | July 23, 2010 10:56 PM
abs-cbn showbuzz

erik santosSumabak na rin sa aktingan ang champion singer na si Erik Santos. Mapapanood siya for the first time sa Maalaala Mo Kaya sa direksyon ni Mae Cruz ngayong Sabado. Malaki ang pasasalamat ng singer sa direktor dahil grabe ang ginawang alalay nito sa isang baguhan na tulad niya pagdating sa acting.

Nakumbinse si Erik na sumabak na pag-arte dahil para masubukan niya kung may iba pa siyang kayang gawin bukod sa pag-awit. “Unang-una, feeling ko, gusto ko naman po’ng gumawa ng kumbaga, I want to try something new. Kasi puro ako singing, singing. Masasabi ko kaya ngayon lang kasi ‘yung readiness. E, feeling ko ngayon pwede na ring i-try kasi parang ako na lang ‘yung, sa mga kasabayan ko parang ako na lang ‘yung ‘di umaarte. Ako na lang ‘yung nagi-inarte na ayaw umarte, parang ganu’n. So, sabi ko, why not?”

Ayon kay Erik, ay hindi siya namili ng script kundi ang staff ng MMK ang nagbigay sa kanya ng kanyang role. “Hindi po. Sila ‘yung nagbigay ng materyal and binasa ko. Sabi ko, parang bagay kasi singer ’yung role. Pero more than that hindi pa ‘yung singer, e, kundi ‘yung struggle nu’ng character. ‘Yun po ‘yung na-challenge ako na, syempre po parang sa iba kung ang gagawa niyan mga batikan medyo madali. Pero po sa akin medyo challenging kasi kailangan po dapat natural sa TV tapos maka-deliver ka sa mga ano, e, marami po’ng iyak moments dito.”

Inalok na pala dati si Erik na gumanap sa MMK tulad na lang ng para sa kanyang life story noong pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa talent search na Star in a Million. “Meron po. Uh, unang-una ‘yung totoo ko pong story. ‘Yung lifestory ko and then love story din, kami dapat ni Mariel (Rodriguez). Tapos meron din po ‘yung parang anak ni Zsa Zsa Padilla, ‘yung mga ganun.” Feeling niErik kaya hindi siya tumuloy sa mga roles na iyon ay dahil naramdaman niya na hindi pa siya handa na sumabak sa mundo ng acting. “Hindi naman po sa tinanggihan ko. Pangit naman po kapag sinabing tinanggihan. Parang sino ba ako para tumanggi. Parang hindi pa po ako kasi ready na umarte.”

Kapareha ni Erik sa MMK ang young actress na si Kristel Moreno. And for the first time, napasubo agad si Erik sa kissing scenes with Kristel. Kumusta ang first kissing scene niya? “Masarap, hahaha! Nu’ng una kinakabahan po ako kasi first time po, e. Pero nu’ng ilang takes na, okey na. ‘Tsaka grabe po ang support na binigay sa akin ni Kristel.” Tatlo daw talaga ang babaeng nakasama ni Erik sa episode na ito. “Actually, tatlo po ang girls sa episode. Isa po rito si Paw Diaz. Hindi naman chickboy ‘yung role na ginampanan ko. Grabe lang po magmahal ‘yung character ko rito. So, siyempre isa sa elemento nang nagmamahal ka, syempre may kiss, ‘di ba? May mga hug-hug, ganyan. So, makikita ‘yun dito sa episode.”

This is not the first time na nagkasama sina Erik at Kristel. “Nagkasama na kami ni Kristel before. Siya ‘yung leading lady ko sa MV before, ‘yung ‘Kung Maalala Mo.’Tapos si Direk Mae naman ang nag-direk ng MV ko na ‘I Will never Leave You’ at ‘Balik sa Bayan’na pang award-winning music video. ‘Yung isa nanalo sa MYX, ‘yung isa nanalo sa Catholic Mass Media. At ang pinanalo po noon Best Music Video.”

Masaya daw si Erik sa resulta ng unang venture niya into acting. “Nag-enjoy po ako. Maybe because I got the support nina Direk Mae, si Kristel at mga kasama namin. ‘Tsaka walang pressure sa part ng MMK kasi sobrang cool. Parang sa ganu’ng kangarag na sitwasyon parang napaka-rare po na makakita ka ng ano, lalo na sa production, walang nagsisigawan, walang nagmamadali. Sobra pong ano, sobra po nilang cool. Nag-enjoy ako maybe because hindi ako na-pressure.” Does this mean ipapagpatuloy na niya na ang kanyang pag-arte? “Kung mabibigyan po ng tamang proyekto bakit po hindi? Kasi na-enjoy ko naman, e. Sana si Direk (Mae) pa rin ‘yung ano, siya na lang lagi. Hahaha! Teleserye? Kung mabibigyan po ng magandang proyekto, why not po?”

Kung papipiliin siya ng leading lady, sino ang kanyang top three choices? “Siyempre hindi na kasali si Kristel dahil naging leading lady ko na siya. Si Sarah (Geronimo) dahil seven years na kaming magkasama. So, mas komportable na kami sa isa’t isa. Ah, si Toni (Gonzaga) kasi sobra po kaming jive ‘yung ugali namin. And then, si Maja ( Salvador ) kasi sobrang galing po niya na umarte talaga.”

Panoorin ang episode ni Erik Santos ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya pagkatapos ng Agimat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s