Erik sinundan ang yapak nina Piolo, Sam at Mark
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Pilipino Star Ngayon
July 24, 2010 12:00 AM
Habang nakakarinig ng papuri si Erik Santos sa kanyang acting sa Maalaala Mo Kaya na palabas ngayong gabi sa ABS-CBN, lalo siyang kinakabahan dahil baka hindi totoo ang mga sinasabi nila.
“But I know that deep inside I gave a good performance, my all. Ginawa ko lahat ‘yung alam ko at ‘yung mga natutunan ko,” sabi ng magaling na singer na umamin na hindi niya gagawing propesyon ang pag-arte.
“Sa pagkanta pa rin ako. Paminsan-minsan siguro, kung merong magandang offer, aarte uli ako. Pero hindi ko ito gagawin ng madalas, masisira ang boses ko. Puyatan sa pag-aartista at masama ito sa boses. Also dito sa episode ng MMK puro pag-iyak ang ginawa ko. Minsan matagal nang tapos ang eksena, humahagulgol pa rin ako kaya namamaos ako. Again masama din ito sa boses ko,” dagdag pa niya.
Inaamin ni Erik na isa na namang feather in his cap ang pag-aartista niya.
Hindi ito pagpapataas ng kanyang morale dahil ang mga kasamahan niyang sina Christian Bautista, Piolo Pascual, Sam Milby at lately pati si Mark Bautista, na nasa kabilang istasyon na ay umaarte na rin.
“No, I’m not trying to compete with them. Tapos na ako rito. I just want to prove to myself na may kaya pa rin akong gawin. Isang malaking challenge ang MMK na seven years ago ay inalok sa akin ni Ms. Mel del Rosario pero hindi ko tinanggap, hindi pa ako ready noon. Now, I think now is the proper time pero kailangang kong matutunan kung paano. Hindi naman ako agad sumalang sa pag-aartista. Nag-aral din ako, one on one with the best, kay Direk Laurice Guillen, kay Direk Mae Cruz, kami ni Kristel Moreno,” paliwanag ni Erik na hindi nagyayabang pero sinabing ‘yung kissing scene nila ni Kristel ang pinakamadaling ginawa niya sa MMK, walang kahirap-hirap although may isang kissing scene sila na umabot ng eight takes.
“Lagot na sina Zanjoe (Marrudo), Eric’s into it, he takes his acting seriously, andun ang puso niya. He prepares for all his scenes, and grabe how he delivers! Ako rin ang nagdirek ng life story niya sa MMK seven years ago at tama lang na hindi niya tinanggap dahil ngayon pa lamang siya nahinog,” sabi ng direktor niya.
Watch MMK tonight at kayo ang maging judge kung talagang pasado na bilang artista si Erik at kung kaya na ba niyang kabugin ang mga kaibigan niya’t kasamahang singer na artista rin.
I’ll n0t miss the fist acting of my greatest crush:)
erik khit nmn mgartista ka makakaya mo yang acting at singer pgsbayin
db???
ba’t po c “sarah” go lng ng go.. hanggat may project ciang ntatanggap…
ikaw pa kakayanin m din yan…
dto lng kme mga fans mo lagi nakasuport sa mga palabas mo
s tv..
wag ka lang magbabago
un lng ingat lagi hah..