Sarah Geronimo, Christian Bautista and Erik Santos win top honors in the 2nd Star Awards for Music

Sarah Geronimo, Christian Bautista and Erik Santos win top honors in the 2nd Star Awards for Music
PEP.ph
William R. Reyes
Monday, October 11, 2010


(From left) Erik Santos, Sarah Geronimo, and Christian
Bautista were the top winners in the 2nd Star Awards
for Music held last night, October 10, at the Henry Lee
Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU).

Noel Orsal

Top winners sa 2nd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang ASAP mainstays na sina Sarah Geronimo, Eric Santos, Christian Bautista, Jericho Rosales, at Yeng Constantino.

Kabilang si Christian sa mga host ng parangal, with Jolina Magdangal and Ms. Kuh Ledesma.

Ginanap kagabi, October 10, ang ikalawang taon ng Star Awards for Music sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU). May telecast ngayong October 11, 10 p.m. to 12 midnight, sa cable channel na Net25.

Si Sarah ang nag-uwi ng pinakamataas na parangal bilang Female Recording Artist of the Year para sa album niyang Music and Me ng Viva Records. Ang kanyang counterpart as Male Recording Artist of the Year ay sina Christian at Erik.

Nag-tie para sa nasabing parangal ang kapwa mahusay na singer-recording artists ng kasalukuyang panahon. Si Erik para sa ni-record niyang mga awitin ng foreign singer na si Jim Brickman, ang The Jim Brickman Songbook ng Star Records, at si Christian para sa kanyang revival album ng mga awitin ni Jose Mari Chan, ang Romance Revisited: the Love Songs of Jose Mari Chan, na ni-release ng Universal Records.

Bukod sa nasabing award, nagwagi rin si Erik bilang Male Pop Artist. Katuwang niya as Female Pop Artist of the Year si Nina para sa album niyang Renditions of the Soul mula sa Warner Music.

Napiling Album of the Year ang Lapit ni Yeng Constantino, samantalang nagwaging Song of the Year ang “Pusong Ligaw” na sariling komposisyon ni Jericho Rosales. Kabilang ito sa album ng actor-singer na pinamagatang Change at ni-release ng Star Records.

Big winner din sa lineup si Piolo Pascual na nag-uwi ng dalawang trophies this year: Decades ng Star Records as Revival Album of the Year and Album Cover Design of the Year.

Si Piolo rin ang napiling Male Star of the Night, katuwang si KC Concepcion bilang Female Star of the Night.

Sa Male and Female Faces of the Night ay nagwagi naman sina Jericho at Sarah, respectively.

OTHER FAVORITES. Sa ikalawang pagkakataon ay nanalo sa kategoryang Female Acoustic Artist of the Year si Aiza Seguerra para sa album niyang Aiza Seguerra Live ng Star Records. Nag-tie sila ni Sabrina for I Love Acoustic Too ng MCA Music, Inc.

Mula naman sa GMA Records, nagwagi bilang Compilation Album of the Year ang The Best of Mga Awit ng Kapuso, at ang Kasiping, featuring La Diva, bilang Music Video of the Year. Ang MTV na ito’y idinirek ni Louie Ignacio.

Ang La Diva rin ang napiling winner sa kategoryang Duo/Group Artist of the Year para sa kanilang self-titled album mula sa GMA Records at Sony Music.

Sa mga kategoryang Rap, Jazz, Novelty, R & B, at Rock Artists and Albums ay hindi nakasipot ang mga winners, kundi man na-late ang mga ito at nagpasalamat na lang when it was their turn to deliver their thank-you speeches bilang presenters.

Tuwang-tuwa ang rapper-comedian na si Andrew E sa una niyang panalo ng Star trophy bilang producer ng rap album na Clubzilla under his Dongalo Wreckords label. Naka-tie nito as Rap Album of the Year ang Chika Lang ‘Yon mula sa Alpha Records. Pero hindi personal na natanggap ni Andrew E ang kanyang trophy.

Young singer-performer Charlie Green, on the other hand, was nowhere nang tawagin siyang winner bilang Jazz Artist of the Year para sa A Friend Like You ng Viva Records.

Wala rin sa venue ang Novelty Artist na si Blakdyak who won for Sino Ba? ng Viva Records. Ang kanyang misis ang tumanggap ng parangal on his behalf.

In full force naman ang grupong Masculados Dos sa pagtanggap ng parangal para sa kanilang self-titled novelty album.

Kung si Andrew E ay humabol sa awards night, ang R&B winner namang si Jay-R ay isa sa pinakamaagang dumating kasama ang kanyang girlfriend na sa Krista Kleiner. Pero wala na rin nang tawaging winner sa kategoryang R&B Artist of the Year para sa Jay-R Sings OPM ng Universal Records.

Significant ang pananalo ng rock album na In Love and War dahil ito’y huling kolaborasyon ng former Eraserheads vocalist na si Ely Buendia at ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

2 thoughts on “Sarah Geronimo, Christian Bautista and Erik Santos win top honors in the 2nd Star Awards for Music

Leave a Reply to lolit ortiz Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s