“All I Want This Christmas” ni Erik Santos dedicated sa “SMP”

“All I Want This Christmas” ni Erik Santos dedicated sa “SMP”
YES! fm 101.1
December 3, 2010 | Friday | 3:11 pm

Erik Santos on Yes FM:

erik santos Dedicated sa mga “SMP” members o “Samahang Malalamig ang Pasko” ang Christmas album ng Prince of Ballad na si Erik Santos.

Ito ang sagot ni Erik sa tanong ng Yes FM kung kanino nga ba niya idini-dedicate ang kaniyang “All I Want This Christmas” album.

Natatawa namang sinabi ni Erik na almost two years na siyang miyembro ng SMP.

Ang “All I Want This Christmas” album, na mayroong 14 tracks, ay nasa isang special CD calendar package.

“Every month of the whole 2011, sana po ‘wag po sila magsawa sa mukha ko,” biro ng Prince of Pop.

Dagdag pa ng singer, kalahati ng songs sa kaniyang album ay traditional Christmas songs at ang kalahati ay original Christmas songs.

Kabilang din sa kaniyang Christmas album ang kaniyang brand new single na “Sana Ngayong Pasko”.

Catch the Philippine’s Prince of Pop sa mga sumusunod na mall shows:

» December 3 SM Cebu

» December 4 SM Muntinlupa

» December 5 SM Rosario, Cavite

» December 10 SM Manila

» December 11 SM Fairview

» December 12 SM Sta Rosa, Laguna