Love life”, wish ni Erik Santos ngayong pasko

“Love life”, wish ni Erik Santos ngayong pasko

December 3, 2010 | Friday | 11:36 am

Rica Herra’s one-on-one with Erik Santos:

erik santos “Sana makahanap na din ako ng love life para next Christmas hindi na ako kasapi sa ano…sa SMP…Samahang Malalamig ang Pasko.”

Ito ang isa sa mga binanggit na wishes ng Philippines’ Prince of Pop na si Erik Santos para sa darating na kapaskuhan.

Bumisita si Erik Santos sa 90.7 Love Radio para sa kaniyang Christmas album radio tour.

Ang “All I Want This Christmas” album, na mayroong 14 tracks, ay nasa isang special CD calendar package.

“Para ano… hindi lang sila nakakapakinig ng Christmas songs, kundi, ayan maaantabayanan pa nila lahat ng events sa buhay nila,” komento ni Erik sa kakaibang design ng kaniyang Christmas album.

Ayon pa sa singer, makaka-relate sa kaniyang album ang mga Pilipinong medyo malamig ang pasko.

“Pero hindi naman ibig sabihin niyan eh puro malungkot ang kanta ko sa album na ‘to…marami rin pong magaganda at masasayang awitin para sa inyo,” dagdag ni Erik.

Huwag din magpahuli sa latest gigs ni Erik at pumunta na sa mga sumusunod na event schedules:

» December 3 SM Cebu

» December 4 SM Muntinlupa

» December 5 SM Rosario, Cavite

» December 10 SM Manila

» December 11 SM Fairview

» December 12 SM Sta Rosa, Laguna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s