Sarah at Maja, ‘di type gamitin ni Erik Santos!

Sarah at Maja, ‘di type gamitin ni Erik Santos!
Mga alaga ni Boy Abunda, binabarat ng Pagcor!
Abante.com
Oh Laban Ka?!
Rey Pumaloy

erik santosPlano ni Erik Santos na magka-girlfriend na sa 2011. Si Rufa Mae Quinto nga ang huling nakarelasyon ni Erik.

Anyway, namula nang husto ang mukha si Erik nang tuksuhin namin siya sa launching ng kanyang album na All I Want This Christmas, tungkol sa nakaraan nila ni Rufa Mae.

Wala palang idea si Erik na ipinagmamalaki siya ni Rufa Mae. Sabi nga ni Rufa Mae, masarap magmahal si Erik.

Na sa lahat ng nakarelasyon ni Rufa Mae, si Erik ang nakapagbigay sa kanya ng kakaibang sarap.

Hindi nga alam ni Erik kung paano magri-react sa mga narinig niya. Pero minabuti niyang huwag na lang magsalita dahil baka raw pagsimulan ‘yon ng intriga sa kanilang dalawa ng sexy comedienne.

Sina Sarah Geronimo at Maja Salvador ang sabi-sabing crush ni Erik. Pero, nang tanungin namin siya tungkol sa dalawa, nakiusap siya na huwag na lang silang pag-usapan.

Bagama’t malapit sa kanya sina Maja at Sarah, ayaw raw niyang pag-usapan ang dalawa. Rason niya, baka raw maakusahan siyang ginagamit ang dalawa para sa promo ng kanyang album.

***

Nagbitiw na ng statement ang longtime boyfriend ni Boy Abunda na si Bong Quintana na handa niyang iwan ang posisyon niya sa Pagcor bilang Asst. Vice President for Entertainment kung may ibang magkakainteres at papayagan ng board na ibigay sa iba ang kanyang posisyon.

Nasasalang kasi ngayon sa intriga si Bong, na diumano ay nagpapakasarap daw ito sa kanyang posisyon.

Anyway, ibinuking nga ni Bong na hindi kalakihan ang suweldo niya sa Pagcor, kumpara sa natatanggap niya sa Talent Management Production nila ni Boy Abunda.

Mula rin daw nu’ng umupo siya nu’ng July ay hindi pa siya sumusuweldo sa Pagcor, dahil hindi pa raw niya naisa-submit ang kanyang mga requirements.

Inamin din ni Bong na nagkakaroon sila ng mga diskusyon ni Boy sa trabahong pinasok niya dahil binabarat daw niya ang mga talents ng Backroom para mag-show sa Pagcor.

Si Bong ang humahawak ng lahat na may kinalaman sa entertainment sa Pagcor, at iniintriga rin siya na puro mga Backroom artists ang kinukuha niya. Sey nga ni Bong, madalas daw na tinatanggihan niya ang mga talents ng Backroom para walang issue.

Pero naku-compromise ito dahil may clamor daw ang mga casino players na mapanood ang mga artist ng Backroom gaya ni Erik Santos.

Sabi nga ni Bong, kung hindi dahil sa magandang pakikisama niya sa industry, mahihirapan siyang kumuha ng mga singers, performers and artists sa presyong puwede lang niyang ibayad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s