Erik Santos, bawing-bawi sa kanyang career

Erik Santos, bawing-bawi sa kanyang career
PinoyParazzi
December 14 | Posted by By Alex Brosas

ISANG BRAND NEW BMW ang iniregalo ni Erik Santos sa kanyang sarili bilang Christmas gift.

Ayaw namang sabihin ni Erik kung magkano niya nabili ang sasakyan. Hindi kasi siya mayabang katulad ng ibang celebrities na pati halaga ng bag ay ipinagsasabi para mapag-usapan lang.

Wala mang love life, bawing-bawi naman si Erik sa kanyang career. Bukod sa concerts here and abroad, nag-launch din siya ng Christmas album niya, ang All I Want This Christmas.

“Mainit dahil masaya naman ako sa nangyayari sa career ko. Actually, ‘yung 2010 sobrang blessing po talaga itong year na ito sa akin. Malamig kasi nga wala pang love life,” esplika ni Erik sa tanong kung mainit o malamig ang kanyang Pasko this year.

When asked kung ano ang mahihiling niya this Christmas: “A new love at sana for life,” ang walang kagatul-gatol na sabi ni Erik.

Eh, ano si Maja Salvador na natsismis sa kanya dati?

“Si Maja Salvador? Hindi ko siya girlfriend. Lahat naman sila ay aking mabuting kaibigan. Ano lang naman ‘yon, kumbaga hinahangaan. Hanggang doon lang naman ‘yon,” esplika ni Erik.

Kasama sa Christmas album ni Erik ang mga favorite Christmas carols tulad ng First Noel, Silent Night, Christmas Is and Sana Ngayong Pasko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s