A Moment with Erik Santos in Naga

A Moment with Erik Santos in Naga
by Rosh

April 14, 2011! Ang araw na nakatakda ng muli naming pagkikita ni papa e! Naganap ang lahat ng ito sa kanyang BPI Mall show sa LCC Mall, Naga City. Syempre sobrang excited ng lola niyo kaya nawindang na lang ang beauty ko nang mag-brown out sa amin at hindi pa nachacharge ang battery ng camera, jusmiyo! Inagahan ko ang punta sa Naga, sumadlit muna ko ng skul para asikasuhin ang mga bagay-bagay at sinamantala ko na din na maki charge doon wahaha. So problem was solved! Thank God, maparaan ako!


Around 2pm pumunta na kami ng mall, nag strolling muna kami kasi ramdam ko naman na wala pa dun si papa e. Bandang 3:00pm kinutoban na ko, kaya dali dali na kaming pumunta sa activity center ng mall, at ayun nga 15 mins. later dumating na si pop! Naka-pwesto kami ng friend ko, sa harap ng entrance ng backdoor ng mall, habang hinihintay yung isa pa naming kasama. Hindi ko agad napansin ang pagdating ni pop, kasi na-busy ako maghanap ng picture ni pop sa wallet ko. Kasi naman yung host may pa game na naghahanap ng pichure ni pop hehe. At yung kasama ko naman pa isyu masyado, kulang na lang itapon yung camera sa sobrang pagkawindang ng makita si pop! Kaya ayun hindi namin nakunan pagpasok niya! Habang nagsisisgawan mga tao sa pagdating ni pop, pumasok na kami sa activity area. Nasa may gilid kami ng stage kaya tanaw na tanaw namin ang kapogian ni pop.


We tried na pumasok sa my restricted area kung nasaan si pop, only to find out na andun yung mga ka red cross namin! Nakaka stress, kasi hindi kami informed haha. Ayun kinulit kulit ko yung superior namin at nag promise naman siya na he’ll try to make a way daw pagkatapos na kumanta ni pop. Kaya ayun nakuntento muna kaming titigan si pop from the side hehe. After ilang minutes tinawag na si pop sa stage, at dumiskarte na naman kmi ng mauupuan! Pag sinuwerte nga naman, sa lahat ng tao na pede namin makita clinical intructor pa namin ang nasa audience, kaya ayun napadali ang buhay at nakahanap agad kami ng upuan. Hindi ko na maalala ang pasunod sunod ng kinanta niya, kasi all the while habang kumakanta siya tinitigan ko lang talage. Basta ang naalala ko lang “My Love Is Here”, “I Miss You Like Crazy”, “This Is The Moment” at “Next In Line” ata yung isa. Well applauded ang kada song # ni pop, lalo na yung nakamamatay na TITM! At may bigla na lang sumisigaw ng “I LOVE YOOU ERIK!!”. Gusto ko nga sanang lapitan at tanungin “ESFO din ba kayo?” hehe. Pero I never had the chance, sayang.

At may isang lola pa dun na ramdam na ramdam ko na super fan ni erik, kasi talagang nakiki sing-along siya kay pop habang kumakanta at ang dami niya sinabing good things about kay Erik. When asked why Erik is the BPI endorser, ang naalala ko lang sa sinabi niya and I qoute “ if there is an American Idol, Erik you’re the Pinoy Idol”, bongga haha! Ikokorek ko sana “la, Star In A Million po! At yung mga mommies naman na nasa likod namin, na panay ang cheer, ang sabi ng isang mommy gutom na daw siya pero ayaw pa daw niya muna kumain, anyway daw natatanggal daw ang gutom niya pag tinitingnan niya si pop haha. At ayaw niya daw ma missed out ang performance ng nag-iisang pop, nakakatuwa. At sobra kong hinahangaan si mommy dahil sigaw kung sigaw tlaga siya hehe! Yan ba ang gutom?

Habang kinakanta niya “My Love Is Here”, eh bumaba siya ng stage at ayun nagkagulo na. Siyempre nag pa girl kami, kaya umiwas sa gulo! Nakuntento na lang ako na panoorin sila na sobrang nag eenjoy! At yung dalawa ko naman na kasama, mga self proclaimed Erikista na haha. Nakakatuwa at sobrang nakakataba ng puso dahil suportado ako ng mga kaibigan ko sa kahibangang ito. Talagang nag effort silang samahan ako (dahil at first inobliga ko talaga sila hihi). Pati yung CI namin naki sing along din. After 5 songs umexit na si pop, at tumakbo naman kami sa may side kung san abot kamay na namin si pop. Todo kulit na naman kami sa mga bouncers na kasing laki ko lang haha!


Nanginig na lang ako ng makita ko si lola na katabi na si pop at may dalang photo album. Ayun waley ang beauty ko hehe. A t ang tarush ni lola hindi siya nagpa-pigil, IDOL haha! Confirmed isa siyang CERTIFIED ERIKISTA! At ng medyo dinudumog na ng tao sa may part namin dahil lahat gusto lumapit at mag pa picture kay pop, lalong lumiliit ang chance naming na makapag pic.

At habang nasa kalagitnaan ako ng pangugulit sa mga bouncer kuno, hindi ko namalayan katabi ko na pala si TIA VI. Nashock naman ako sa moment na yun hehe! Sobrang nakaka overwhelmed si tia vi. I only have good words for her, kasi sobrang accommodating and bait niya. Nahihiya nga ako kasi siya pa yung lumapit samin. How nice of her para gawin niya yun, ang sweet and humble hehe.

Ayun moment of truth na! Pag alis ni lola sa naupuan niya ako na yung pumalit! At talagang inindorse pa kami ni tia vi kay pop hehe. Super DREAM COME TRUE! Nakapag pic na ako kay pogi yipee! Ang bait-bait ni pop! Napaka accommodating din. Ang gwapo na, ang bango-bango pa! PERFECT! Sobrang saya ng mga moments. Pa isyu nga mga kaibigan ko, naiiyak sa akin kasi natupad na daw pangarap ko haha! Tapos after, nawindang lang kami at samin pinag-paalaman ng staff kung san nila idadaan pa exit si pogi dahil sa dami ng gelay na gustong dumumog kay pop. Ako naman na tulaley, ah ok po lang ang nasagot ko haha! Mapagkamalan bang GF haha! After niyan nagpa thank you na kami kay tia vi, tinanong pa kami kung nakapag picture daw ba kami. Sabi ng mga kasama ko sabay turo sakin, ”siya lang po!”, kaya ayun sinamahan ulit kami ni tia vi papunta kay pop, kaya tuwang-tuwa mga kaibigan ko kasi they get the chance din na makapag pic with pop. Tapos tinanong pa kami ni pop “may twitter ba kayo? Tweet tweet tayo ha?! haha”. Sagot ko naman, “oo naman pop, finofollow kaya kita hehe!”. Mga pa involve nga talaga ang loka kong friends, kasi kala ko magpapa picture lang, nawindang na lang ako ng mag paalam yung isa kong friend kay pop, “Erik pede pa kiss!”. Si pop naman ang bait-bait sabi “sure!” . Inunahan pa kong kumiss kay pop haha. Samantalang hindi na inabot ng utak ko ang bagay na yun hehe. Dala ng inggit nag give in na din ako hahaha. Ang bango-bango talaga at sobrang kinis na parang after nun ayaw ko ng maghilamos EVER! Chos!


Then after todo pa thank you ulit kami kay tia vi with matching beso-beso ulit, haiz ang bait-bait niya super! Sayang hindi kami nakapag picture with her, hindi na inabot ng utak namin! Paglabas namin ng backstage ayun nakatingin samin yung mga bouncer, habang nakingiti hehe. Sabay bwelta ko “ano kuya inggit ka noh?”. Nang-inggit pa loka hehe.
After the event parang pauli-ulit naming pinag-uusapan kung ano yung mga nangyari, pero parang bago lagi hehe, may after shock! Mas nakakatuwa kasi after ng event mga self proclaimed Erikista na yung mga kasama ko hehe! Ayan dumadami na mga kasapi natin. 
I’m looking forward to the days that I will get to see him again and again! ‘Til next time guys! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s