Erik Santos at Angeline Quinto, Magtatambal sa Isang Proyekto
Kapamilya News Ngayon
By night owl on May 31, 2011, 1:10 AM
Ang “Prince of Pop” na si Erik Santos at ang “Star Power” Female Pop Superstar na si Angeline Quinto ang mga napiling umawit sa bagong station ID na inihahanda ng DZMM para sa kanilang ika-25 anibersaryo.
Ka-level na nila ngayon sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta, at ang international singing sensation na si Charice Pempengco na dating umawit ng DZMM jingle, na sinulat naman ng premyadong composer na si Jessie Lasaten.
Tuwang-tuwa si Angeline nang matanggap ang balita, lalo na’t makakasama niya si Erik, na co-host sa pinagmulang talent search ng dalaga.
“Sobrang flattered po talaga, isang napakalaking karangalan po talaga para sa akin. Kasi yung DZMM po talaga e talagang kinalakihan ko na, tapos ngayon, mapapakinggan na rin ako roon. Tapos si Kuya Erik naman sa ‘Star Power’ pa lang medyo close narin kami, kaya natutuwa din po ako na sya po yung makakasama ko dito,” paliwanag ni Angeline.
Si Erik man ay malaki ang pasasalamat sa pagkasama niya sa proyekto. “Napakalaking institusyon ng DZMM. Masaya ako dahil magiging part ako ng 25th anniversary nila and at the same time magiging part na rin ako ng public service nila sa pamamagitan ng pag-awit,” aniya.
Kasama nila sa malaking proyektong ito ang prestihiyosong Philippine Philharmonic Orchestra, na kilala bilang isa sa pinakamahusay na grupo ng mga musikero sa buong rehiyon ng Asia-Pacific. Nariyan din ang UP Concert Chorus, na ilang beses na nagdala ng karangalan sa bansa sa nakalipas na 45 taon.
Kamakailan lang ay sumabak sila sa shooting ng station ID sa Cultural Center of the Philippines. Abangan ang premiere ng engrandeng station ID ng DZMM “SilveRadyo” sa taunang flag-raising ceremony ng ABS-CBN sa darating na Araw ng Kalayaan (Hunyo 12).
Hi! Erik, talagang naligaw lang ako sa site mo..hehehe but, im so happy because i can post a comment here. By the way, im also your fan since i saw you in tv. noon i was totally inspired from your songs especially “This is the moment’ and i always sing that..hehehe… I hope can meet you here from Cagayan de Oro City.. Super layo kasi dyan.. hehe… I wish also that you would inspired more people. at sana maka duet naman kita idol..hehe… Cge gudluck parin sa iyong singing career, im always here to support you. Thank you!