Erik Santos in his musical theater debut as The Prince in The Little Mermaid

Erik Santos in his musical theater debut as The Prince in The Little Mermaid
pinoyparazzi.com – June 13, 2011
Point of Boy

erik santosPRINSIPENG-PRINSIPE TALAGA ANG da-ting ngayon ni Erik Santos. Maliban kasi sa kanyang titulong Prince of Pop, si Erik ang napiling gumanap bilang Prince Eric for Atlantis Productions’ upcoming staging of the Broadway Musical Disney’s THE LITTLE MERMAID which runs from November 18 to December 11 at the Meralco Theatre. THE LITTLE MERMAID will be directed by Bobby Garcia and Chari Arespacochaga.

Ito ang kauna-unahang pagsabak ni Erik sa mundo ng teatro. “I’m very excited and at the same time nervous. It’s my first time to do theater. Mas kritikal ang audiences sa teatro kaysa sa concerts. Sa concerts kasi ay p’wedeng iba-ibahin ang sequence ng performances pero sa theater, kung ano ang ginawa ninyo during the rehearsal ay dapat pareho pagdating sa stage,” sabi ni Erik during THE LITTLE MERMAID’s presscon at Astoria Plaza.

Erik picks the song “If Only” as one of his favorites in the musical. Ito raw ang kanta kung saan nagsasagutan sina Ariel, Prince Eric, Sebastian, at King Triton kahit sila ay nasa magkakaibang lugar.
Continue reading