27th Star Awards for movies lalarga na!

Maghahandog ng musical number sina Erik Santos, Richard Poon, Erich Gonzales, atbp.

27th Star Awards for movies lalarga na!
(Pilipino Star Ngayon) Updated June 15, 2011

MANILA, Philippines – Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa 27th Star Awards for Movies sa ika-21 ng Hunyo, 2011, sa New Performing Arts, Resorts World Manila, Pasay City.

Sumikat na tambalan ng mga artista ang sentro ng pagtatanghal.

Sina Boy Abunda, Toni Gonzaga at Gretchen Barretto ang mga pangunahing hosts.

Segment hosts sina Piolo Pascual-KC Concepcion, Kim Chiu-Gerald Anderson at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz.

Pagkakalooban ng Ulirang Artista Lifetime A­chieve­­ment Award si Christopher de Leon. Ang kapwa niya mahusay na aktor, si Tirso Cruz III, ang maghahandog ng tropeo. At ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta, na kapwa niya naging leading ladies sa maraming pelikula, ang magbibigay ng tribute.

Ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Ka­mera ay ipagkakaloob sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde, at ang kanyang mga Regal Babies, tulad ni Snooky Serna, atbp, ang maghahandog ng tropeo.

Maghahandog ng musical number sina Erik Santos, Richard Poon, Erich Gonzales, atbp.

Magsisimula eksaktong ika-6:00 ng gabi ang pagtatanghal. Mapapanood ito sa ABS-CBN, sa ika-26 ng Hunyo, 2011, sa programang Sunday’s Best.

One thought on “27th Star Awards for movies lalarga na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s