Erik Santos, sarap na sarap sa pagsakay sa ‘baby’ niya!
(REY PUMALOY)
Abante.com
THURSDAY, JULY 07, 2011
Mas lalong lumabo ang tsansa ni Erik Santos na magkaroon ng bagong girlfriend.
Puno na kasi ang sked niya ngayong 2011.
Nagsimula na nga ang rehearsal niya para sa musical production na Little Mermaid, kung saan si Rachel Ann Go ang bida. May naka-schedule rin siyang concert sa Music Museum at pupunta rin siya sa Japan para sa series of shows.
Maglalabas din siya ng bagong album, at raratsada raw siya sa promo nito. Eh, may naka-schedule rin daw siyang shows sa Europe at Canada.
Anyway, itinanggi ni Erik na na-trauma siya sa hiwalayan nila ni Rufa Mae Quinto noon, kaya ayaw pa rin niyang magka-girlfriend ngayon.
“Hindi naman! Wala lang talagang time. Focus muna sa work. Kawawa naman kasi ‘yung lovelife kung hindi mo rin lang maasikaso. Saka, maganda ‘yung naging samahan namin ni P-Chi. Walang trauma,” sey niya.
Siyanga pala, kapansin-pansin din ang pagiging game ni Erik ngayon sa mga tanong na may kinalaman sa sex. Nung biruin namin siya na paano na ang kanyang sexlife kung wala siyang lovelife, sumagot agad siya na “Eh ‘di, bate”, sabay tawa.
Continue reading