Erik tutulong sa isang cancer foundation

Erik tutulong sa isang cancer foundation
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda
Pilipino Star Ngayon – July 28, 2011

erik santos Naghahanda na ngayon ang Pop Prince na si Erik Santos para sa nalalapit niyang major concert sa darating na Aug. 12 and 13. Gaganapin ang two-night show sa Music Museum kung saan makakasama ni Erik sina Angeline Quinto, Miss Saigon (Germany) Stephanie Reese, G-Force dancers, at ang Concert Queen na si Pops Fernandez.

PowER IKons ang title ng nasabing concert na hango rin sa pangalan ni Erik. Maganda ang konsepto ng show dahil bibigyan ng tribute ni Erik ang lahat ng greatest hits ng mga kilalang music at movie icons katulad nina Madonna, Elvis Presley, Michael Jackson, Celine Dion, Whitney Houston, Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Martin Nievera, at Basil Valdez. Nakakahanga si Erik dahil ilalaan niya ang kikitain ng concert para sa Bosom Buddies Cancer Foundation. Para sa mga nais bumili ng tickets, maaaring tumawag sa Ticketworld 891-9999.

Erik Santos gives tribute to great music icons in “powER IKons”

Erik Santos gives tribute to great music icons in “powER IKons”
by Julie Bonifacio
Swak Na Swak
Remate – Jul 28, 2011

erik santos AYAW naming maniwala na until now ay loveless pa rin ang Prince of Pop na si Erik Santos. Pero dahil sa ‘yun ang paulit-ulit na sinabi niya sa amin during our interview para sa nalalapit niyang concert on August 12 ((Friday) and 13 (Saturday) sa Music Museum entitled “PowER IKons,” e, ‘di sige.

Aminado naman si Erik na napaka-choosy naman daw kasi niya when it comes sa babaing mamahalin niya. Kaya nga siguro ‘di ganu’n kabilis main-love ang multi-platinum singing champion.
Continue reading