Erik (Santos) nagsimula na sa pagti-teacher

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon)
October 18, 2011 12:00 AM

Erik nagsimula na sa pagti-teacher

Nagsimula na noong Linggo si Erik Santos sa kanyang duty bilang kauna-unahang celebrity mentor ng Center For Pop Music Philippines.

“It’s one way of giving back kung ano ’yung na-experience ko throughout my eight years sa industriya. Para akong mentor, parang sort of mentoring young people para matutong kumanta. Siyempre kung paano gawin ’yung mga tamang bagay para maabot ’yung kanilang mga pangarap,” pahayag ni Erik.

Produkto rin ng nasabing music school si Erik kaya masaya siyang maibahagi sa mga participants ang kanyang mga kaalaman at karanasan bilang isang magaling na singer.

“Mas ibibigay ko sa kanila ’yung sarili ko, kung paano ako sumali ng contest, kung saan ako nagsimula, kung bakit ako nakapasok sa Center For Pop. Kumbaga sumali ako sa isang singing contest sa school then ang prize ay ’yung scholarship sa Center For Pop then doon na nagsimula lahat. I joined Star in a Million, and doon naman sa almost eight years ng singing career ay hindi naman ako binitawan at nakalimutan ng Center For Pop. Talagang nandiyan sila to support,” kuwento pa ng Pop Prince.

“Masaya ako dahil magagawa ko na ’yung isa sa mga gustung-gusto kong gawin and that is to share whatever kung anuman ’yung alam ko when it comes to singing and siyempre sa experience ko na rin. Excited po talaga ako na gawin ito,” diin pa ng singer. — Reports from JAMES C. CANTOS

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s