Erik Santos – ASAP 2012 may countdown ng Chinese New Year

Abangan ang world-class concert performances nina Arnel Pineda; cast ng Mamma Mia! at espesyal na concert performances nina Christian Bautista, Jed Madela, Erik Santos, Karylle, Yeng Constantino, Zia Quizon, Vincent Bueno, Boys R Boys, ASAP Pinoy Champs, at ASAP Sessionistas. Maki-hataw kasama ang ASAP Supahdancers na sina Iya Villania, Gab Valenciano, Rayver Cruz, John Prats, Enchong Dee, at Enrique Gil.

ASAP 2012 may countdown ng Chinese New Year
(Pilipino Star Ngayon)
January 21, 2012

MANILA, Philippines – Dalawang engrandeng selebrasyon ng Chinese New Year ang handog ngayong Linggo (Enero 22) ng ASAP 2012. May libreng party na magaganap sa Quirino Grandstand sa ganap na 12:15 ng tanghali na mapapanood sa ABS-CBN at isang New Year countdown na magsisimula sa ganap na alas-8 ng gabi.

Sabayan bumati ng Kung Hei Fat Choi ang mga naglalakihang bituin ng ASAP 2012 na pangungunahan nina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Pio­lo Pascual, Luis Manzano, Kim Chiu, Jericho Rosales, KC Concepcion, Cristine Reyes, Sam Milby, at Sarah Geronimo.

Tampok din ngayong Linggo ang grand farewell ng malapit nang magtapos na Ikaw ay Pag-ibig kasama ang Kapamilya child wonders na sina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia, at Louise Abuel; samantala, bibisita rin ang cast ng pinakabagong Kapamilya teleserye na E-Boy na pangungunahan ng bida nitong si Budoy Cariño, kasama ang mga premyadong bituin na sina A­riel Rivera, Agot Isidro, Jomari Yllana, at Valerie Con­cepcion.

Ipagdiwang ang Year of the Water Dragon kasa­ma ang mga bituin ng dalawang bagong Kapamilya Gold tele­serye: sina Maja Salvador, Patrick Garcia at Jason Abalos mula sa Lumayo Ka Man Sa Akin; at Empress, Ejay Falcon, at Nikki Gil ng Mundo Man Ay Magunaw. Kasama rin ang mga bida ng pinakabagong Star Cinema movie na My Cactus Heart na sina Maja, Matteo Guidicelli, at Xian Lim.

Abangan ang world-class concert performances nina Arnel Pineda; cast ng Mamma Mia! at espesyal na concert performances nina Christian Bautista, Jed Madela, Erik Santos, Karylle, Yeng Constantino, Zia Quizon, Vincent Bueno, Boys R Boys, ASAP Pinoy Champs, at ASAP Sessionistas. Maki-hataw kasama ang ASAP Supahdancers na sina Iya Villania, Gab Valenciano, Rayver Cruz, John Prats, Enchong Dee, at Enrique Gil.

Dadalo rin sa Chinese New Year celebration ang Growing Up stars na sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Diego Loyzaga.

Ang lahat ay imbitado sa libreng pagdiriwang at countdown sa bagong taon ngayong Linggo (Enero 22) sa Quirino Grandstand.

Advertisements

One thought on “Erik Santos – ASAP 2012 may countdown ng Chinese New Year

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s