Erik Santos on being pitted against Christian Bautista and Jed Madela: “Sa business na ito, lagi namang pinagsasabong—kami-kami.”

Erik Santos on being pitted against Christian Bautista and Jed Madela: “Sa business na ito, lagi namang pinagsasabong—kami-kami.”

Melba R. Llanera
Wednesday, March 21, 2012 @ 08:54AM

erik santos

Isang masayang Erik Santos ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 18, sa Studio 8 ng ABS-CBN para sa rehearsal ng Star Magic Tour sa Honolulu, Hawaii, na gaganapin sa March 30.

Kinumusta namin sa singer ang tungkol sa pakikitungo nila ngayon ng dating manager na si Boy Abunda.

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa nang kumalas si Erik sa pinamamahalaang talent management ni Boy noon, ang Backroom.

Pero ayon kay Erik, nagkita sila ng TV host kamakailan lamang.

“Nung isang araw lang nagkita kami sa lobby ng ABS, after ng Bandila.

“Okay, sobrang warm ni Tito Boy sa akin, parang walang nangyari. Na-miss ko talaga siya.

“Once in a while nagkaka-textan, nagkakumustahan.

“Di na kami nakakalabas kasi busy kasi si Tito Boy and, ako naman, medyo marami din namang mga rakets din.”

CHRISTIAN AND JED. Ano naman ang reaksiyon ni Erik na pinagpipilitan silang paglaban-labanin ng mga kasabayan niyang sina Christian Bautista at Jed Madela?

Ayon kay Erik, natutuwa siya sa mga kaibigan at kasamahan sa ASAP dahil nakikita niya na hindi naaapektuhan ang mga ito sa mga intriga sa kanila.

“Well sa akin lang, sa business na ito, lagi namang pinagsasabong— kami-kami.

“Since the three of us, kami yung balladeers, so may mga issues talaga na ganyan.

“Ang maganda kasi kila Jed and Christian, hindi sila nagpapaapekto sa intriga.

“I’m happy na hanggang ngayon, kung ano sila dati, ganun pa rin naman yung friendship.”

UPCOMING PROJECTS. Tinanong din ng PEP si Erik kung anu-ano ba ang mga pinagkakabalahan niya sa ngayon.

“I’m okay, busy promoting my album, yung OPM album ko, Awit Para Sa Iyo.

“And we are preparing for a major solo concert ngayong taong ito. By August, pero hindi pa alam kung saan yung venue.

“‘Tapos next year, I’m celebrating my 10th year in the industry, so we’re preparing for that.”

U.S. TOUR. Bilang bagong talent ng Cornerstone, na co-manager ang Star Magic, excited si Erik dahil first time siyang makakasama sa Star Magic Tour in Hawaii para sa selebrasyon ng 20th anniversary ng talent arm ng ABS-CBN.

“Siyempre masaya ako na naging part ako ng 20th anniversary ng Star Magic and kasama ako sa tour sa Hawaii, so excited ako.

“Aalis kami ng March 27, so March 30 yung concert namin sa Hawaii.

“Lilipad din kami agad papunta namang LA with Yeng [Constantino], Vina [Morales], and Jovit [Baldivino] for TFC event.

“Kakanta ako, may duet, may solo number and production number.

“Most of them naman mga kaibigan ko. so at ease na rin ako sa kanila.

“Vina is a very good friend of mine… Yeng… basta marami,” sabi ni Erik.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s