Erik Santos prefers to stick to singing ballads

Erik Santos prefers to stick to singing ballads
Push.com – 3/31/2012 12:33 AM
by: Bernie Franco

erik santosBilang ballad singer, alam ni Erik Santos na ito ang kanyang strength at dito talaga siya kinikilala at tinatangkilik ng mga tao. “Naniniwala ako na kung ano strength mo bilang singer, huwag kang lumayo,” aniya. Para sa kanya, walang dahilan para i-makeover ang sarili para sumunod lang sa uso kung ikaw ay nakilala na sa isang genre.

Bilang halimbawa, itinuro sina Martin Nievera at Basil Valdez na kahit ilang taon na sa industriya at hindi nagbago ng kanilang uri ng musika ay patuloy na kinikilala at tinatangkilik.

Gayunpaman, sang-ayon din naman siya sa pagkakaroon ng pagbabago sa ibang aspeto, pero nilinaw na pagdating sa musika mas gusto niyang mag-stick sa ballads. “Pero sa concert meron. Kasi hindi naman pwedeng sa concert mo puro ballad ang kinakanta mo, so napipilitan po ako na kailangang magsayaw sa ikatutuwa ng audience,” natatawa niyang paliwanag.

Dagdag pa niya ang pagpapa-sexy rin niya nang kaunti ay bahagi rin ng kanyang simpleng reinvention. “Ang pinaka ginagawa ko lang kumbaga nage-experiement ako sa pictorial, nagpapakita ako ng konting skin. Kahit papano gusto rin nilang makita ako na hindi laging naka-suit, hindi lang balot na balot.

“Pero sa music ganun pa rin, hindi ako masyadong lumalabas sa core ko, eh. Ang pinaglalaruan lang namin ‘yung areglo. For example kakanta ako ng isang fast song, [ang challenge] papano ko gagawing ballad. So it’s part of reinvention.”

Sa ngayon nagpaplano na raw si Erik na gumawa ng album bilang pagdiriwang sa kanyang ika-10 taon sa industriya at sana raw ay matuloy na magkaroon siya ng kolaborasyon sa mga sikat na music icons. Ang ilan daw sa mga gusto niyang makatrabaho ay sina Gary Valenciano, Martin at Lea Salonga.

Ibinahagi rin niya ang kanyang sikreto kung bakit marami ang naantig sa kanyang pagkanta. “Marami naman pong magagaling kumanta pero buong puso ko pong ibinibigay ‘yung pag-awit ko. ‘Yun ang goal ko palagi, whenever I perform live, storytelling [ang dating ng pagkanta ko].”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s