Erik nasa character na maging mabuting asawa

Erik nasa character na maging mabuting asawa
philstar.com (Pilipino Star Ngayon)
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis

erik santosDumating kahapon si Erik Santos sa lunch date namin ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano.

Visible si Erik dahil sa promo ng Greatest Theme Songs, ang two-night concert niya sa Meralco Theater sa August 30 at August 31. Kakantahin ni Erik ang mga sikat na theme song mula sa Broadway, TV, at pelikula.

Tinutulungan ni Mama Pinky si Erik sa promo ng Greatest Theme Songs dahil co-presenter ng concert ang Qualibet, ang company na pag-aari niya at beneficiary ang kanyang foundation para sa mga kababayan natin na may cancer, ang Pinky Cares.

Special guests ni Erik sa Greatest Theme Songs sina Gary Valenciano, Basil Valdez, at Vina Morales.

Mabibili ang tickets sa halagang P2800 – Orchestra, P2000 – LoDge at P800 – Balcony. Sa mga gustong manood ng concert ni Erik, mag-inquire kayo sa TicketWorld ( 891-9999) at SM Tickets (470-2222) para sa ibang mga detalye.

Mukhang loveless pa rin si Erik dahil pagkatapos ng well-publicized love affair nila ni Rufa Mae Quinto, wala tayong nabalitaan na bagong girlfriend niya.

Very lucky ang babae na ihahatid ni Erik sa altar dahil sa nakita ko kahapon, mabait siya at responsible. Nasa karakter niya na magiging mabuting asawa at tatay siya.

Erik Santos Umagang Kay Ganda July 26, 2012 – Promote “Greatest Theme Songs”

Erik Santos Umagang Kay Ganda July 26, 2012 – Promote “Greatest Theme Songs”

Erik Santos stops by at Umagang Kay Ganda to promote his upcoming concert “Greatest Theme Songs” at the Meralco Theater on August 30 & 31 @ 8pm.

Erik Santos Umagang Kay Ganda July 26, 2012 – Promote “Greatest Theme Songs”
erik santosi