Erik Santos discloses plans for celebrating 10th anniversary in showbiz; proudly remains a Kapamilya

Erik Santos discloses plans for celebrating 10th anniversary in showbiz; proudly remains a Kapamilya
by Melba Llanera
Pep.ph

Erik on what’s in store for his fans this year: “I’m celebrating my 10th year this 2013. May concert, may dalawang albums ako na lalabas under Star Record. The first album na lalabas is a compilation of all my hits sa loob ng 10 years ko sa business. Yung pangalawa, it’s gonna be all-original pero duets with the icons. By October, yung concert… hopefully sa Araneta.”

Photo By: Noel Orsal

Sunud-sunod nang nawawala ang mga miyembro ng dating grupong The Champions ng ASAP.

Tatlo sa mga ito ay sumakabilang-bakod na mula sa bakuran ng ABS-CBN at ngayon ay nasa Kapuso network na.

Sinimulan ni Mark Bautista at sinundan nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista, tanging sina Erik Santos at Jed Madela na lang ang naiwan sa ASAP dahil si Sarah Geronimo ay nagpaalam na rin sa nasabing show noong nagkaroon ito ng sariling programa.

Di naman itinago ng Prince of Pop na nalulungkot siya sa pag-alis ng mga kaibigan at dating kasamahan sa The Champions pero naroon din ang kanyang tuwa dahil alam niyang masaya ang mga ito sa naging desisyon nila.

“Well, unang-una nalulungkot ako kasi sabay-sabay kaming nagmula dito sa ABS pero masaya akong nakikita na masaya sila… masaya ako para sa kanila,” panimula niyang bungad.

Ayon kay Erik, wala raw sa isip niya ang lumipat gaya ng tatlo pero aminado siyang may mga offers siyang natanggap dati at di rin niya tinago na muntik na siyang ma-tempt na lumipat din.
Continue reading