Erik Santos discloses plans for celebrating 10th anniversary in showbiz; proudly remains a Kapamilya

Erik Santos discloses plans for celebrating 10th anniversary in showbiz; proudly remains a Kapamilya
by Melba Llanera
Pep.ph

Erik on what’s in store for his fans this year: “I’m celebrating my 10th year this 2013. May concert, may dalawang albums ako na lalabas under Star Record. The first album na lalabas is a compilation of all my hits sa loob ng 10 years ko sa business. Yung pangalawa, it’s gonna be all-original pero duets with the icons. By October, yung concert… hopefully sa Araneta.”

Photo By: Noel Orsal

Sunud-sunod nang nawawala ang mga miyembro ng dating grupong The Champions ng ASAP.

Tatlo sa mga ito ay sumakabilang-bakod na mula sa bakuran ng ABS-CBN at ngayon ay nasa Kapuso network na.

Sinimulan ni Mark Bautista at sinundan nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista, tanging sina Erik Santos at Jed Madela na lang ang naiwan sa ASAP dahil si Sarah Geronimo ay nagpaalam na rin sa nasabing show noong nagkaroon ito ng sariling programa.

Di naman itinago ng Prince of Pop na nalulungkot siya sa pag-alis ng mga kaibigan at dating kasamahan sa The Champions pero naroon din ang kanyang tuwa dahil alam niyang masaya ang mga ito sa naging desisyon nila.

“Well, unang-una nalulungkot ako kasi sabay-sabay kaming nagmula dito sa ABS pero masaya akong nakikita na masaya sila… masaya ako para sa kanila,” panimula niyang bungad.

Ayon kay Erik, wala raw sa isip niya ang lumipat gaya ng tatlo pero aminado siyang may mga offers siyang natanggap dati at di rin niya tinago na muntik na siyang ma-tempt na lumipat din.

“Sobrang dugong-ABS kasi ako, galing ako sa Star In A Million, part ako ng Star Magic sa ngayon masaya ako at wala namang dahilan para lumipat.”

“Mayroon naman pero dati pa yun. Masya kasi ako dito, masaya ako sa ASAP, masaya ako sa buong ABS so para sa akin walang major reason for me to move.”

“Honestly, medyo na-tempt [dati], pero at the end of the day, dun ka sa kung saan ka masaya,” pag-amin niya.

10th ANNIVERSARY OFFERINGS. Dahil iseselebra ang 10th anniversary niya sa showbiz ngayong taon, dalawang albums at isang major concert ang hinahanda ni Erik para sa kanyang mga tagahanga.

“I’m celebrating my 10th year this 2013. May concert, may dalawang albums ako na lalabas under Star Record.

“The first album na lalabas is a compilation of all my hits sa loob ng 10 years ko sa business. Yung pangalawa, it’s gonna be all-original pero duets with the icons.

“By October, yung concert… hopefully sa Araneta. It’s gonna be my 10th year so this is gonna be something… a big event. Guests? Wala pa, wala pa… planning pa lang talaga.”

“Basta kakaiba kasi may mga gagawin ako na di ko pa nagagawa sa mga past concerts ko. Ganun pa rin, yung mga songs na nagawa ko for the past 10 years. Basta marami, surprise,” masaya niyang kuwento.

REINVENTION? Tinanong namin si Erik kung may mga pagbabago ba siyang gagawin ngayong isang dekada na pala siya sa industriya.

“Gusto ko after ng celebration ko ng 10th year, gusto kong mag-reinvent ng sarili ko… ng music ko. Kailangan ko pang mag-aral ng kung ano ang dapat na pag-aralan para sa ide-develop ng talent ko… ng skills ko,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ng Prince of Pop ang mga dahilan sa patuloy na tagumpay at malayong narating niya sa loob ng sampung taon sa industriya..

“Siguro disiplina, yung kaya mong gawin ang pinagagawa sa iyo and prayers.

“Prayers talaga na marunong kang ibalik yung mga blessings na binigay sa iyo ni God. Kailangang specific ka sa mga prayers mo,” saad ni Erick.

STILL LOOKING. Nang kumustahin ang tungkol sa kanyang lovelife, hinahanap pa rin aw niya ang tamang babae para sa kanya.

“Well, minsan dating pero wala, e… wala pa. Naghahanap pa rin,” pagwawakas niyang saad.

Advertisements

2 thoughts on “Erik Santos discloses plans for celebrating 10th anniversary in showbiz; proudly remains a Kapamilya

  1. good job mr erik santos tama lng n mag remain k s network kung saan k hinubog ng husto at sumikat…abs cbn is d best network p rin remember best station cla srtr8….at ska home of fame ng ang asap and still undisputed number1 for almost 18 yrs proud ako s ktapatan m mr,prince of pop….kaya alm kung more blessings to come p s career m…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s