Erik Santos marks 10th anniversary with release of The Erik Santos Collection Timeless Movie and TV Themesongs

Erik Santos marks 10th anniversary with release of The Erik Santos Collection Timeless Movie and TV Themesongs
pep.ph
by Ricky Calderon posted on June 24, 2013

erik santos

“Maraming salamat sa sampung taon na pakikinig nila ng musika ko,” pahayag ni Erik Santos nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado sa Eastwood City. Inilunsad ng singer ang kanyang latest album mula sa Star Records. Kahit na malakas ang ulan ay in full force ang mga loyal fans ni Erik at pinanood ang one hour free show ng balladeer na naging grand prize winner sa Star in a Million music competition ten years ago.

Titled The Erik Santos Collection Timeless Movie and TV Themesongs, ang naturang album ay bahagi ng 10th year anniversary celebration ni Erik sa music industry.

“Thirty songs po ang inawit ko na nakapaloob dito sa album and I am very grateful to ABS-CBN and Star Records dahil nabigyan ako nang pagkakataon to record more than 30 songs. At bilang bahagi pa rin ng aking tenth year, magkakaroon ako ng big concert this year sometime in November. Inaayos pa namin ito but we will announce kung kailan ito gagawin at kung saan ang venue,” wika pa ni Erik.

What is concept of your anniversary concert?

“Siguro ‘yung ten years history ko sa music business, since I started when I joined Star in a Million. Before that I joined a boyband. Makikita po nilang lahat iyon sa concert.”

How does it feel celebrating ten years in the music industry?

“I feel so grateful na nakaabot po ako ng ten years in the business. Sobra po akong grateful sa lahat ng mga taong tumulong sa akin along the way. Siyempre po, kauna-unahan na po diyan yung family ko. Sa taong naka-discover sa akin, si Tito Boy Abunda. Siyempre po nagpapasalamat ako sa kanya, pati na rin po sa Backroom, sa Star Magic, sa ABS-CBN, sa Cornerstone Management. Sobra po ang suporta nila sa akin,” wika ni Erik.

“I would like to savor ‘yung year na ito kasi ito po ang celebration ng ten years ko in the business.”

Kung pipili ka ng kanta to describe your ten years in the music scene, what song would that be?

“Siguro dalawang kanta iyan, ‘I Believe I Can Fly’ and ‘This is the Moment’ kasi these were the songs na talagang nagmarka sa tao at kung saan nila ako nakilala. At saka sobrang passion ko ang pagkanta. Kahit na siguro maputi na ang buhok ko, kumakanta pa rin ako. At hanggang nandiyan ang mga fans na patuloy na sumusuporta at bumibili ng albums ko, patuloy pa rin akong kakanta.”

Ang mga awitin sa The Erik Santos Collection: Timeless Movie and TV Themesongs include “Pagbigyang Muli,” “Kulang Ako Kung Wala Ka,” “Sana Ikaw” and “I Will Never Leave You” mula sa mga unforgettable drama shows like Maria La Del Barrio, My Binondo Girl, Guns & Roses, at Green Rose.

The singer’s foray into movie soundtracks is well represented also in the album with tracks like “I’ll Never Go,””If You Asked Me To,” “You Are My Song” mula sa mga pelikulang One More Chance, Unofficially Yours, A Moment in Time and Noy.

Bukod sa album launch na ginanap sa Eastwood last Saturday, nag-perform din si Erik sa Venice Piazza sa McKinley Hill sa The Fort noong Linggo, June 24. May isang mall show pa siya na gaganapin naman sa Lucky Chinatown Plaza on July 5.

As a singer, pangarap din ni Erik na ma-reach ang pagiging music icon tulad nina Basil Valdez, Martin Nievera, Gary Valenciano na talagang tumagal sa industry.

“Siyempre gusto kong makarating sa estado na iyan and of course, I am doing my best para maging katulad nila. I am also very thankful to the fans for their loyalty and all-out support. Sana suportahan nila ang album ko. Sulit na sulit ito because there are 30 songs in the album. Hindi sila mabibitin.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s