Bumuhos ang mga tagasuporta ni Erik Santos sa Eastwood!

Bumuhos ang mga tagasuporta ni Erik Santos sa Eastwood!

NANINIWALA na kami na pagdating nga sa titulo niyang Prince of Pop, talagang hindi matatawaran ang mga tagasuporta ni Erik Santos!

Pinuntahan namin ang album launch niya under Star Records sa Central Plaza ng Eastwood noong Sabado ng gabi. Bumagsak ang saksakan ng lakas na ulan na nagpabaha roon mismo sa lalakaran mo sa loob ng Eastwood. Pero nang dumating kami sa venue, punumpuno na ito ng mga nagsibili ng The Erik Santos Collection: Timless Movie and TV Theme Songs na pinirmahan niya after ng kanyang show.

Nagse-celebrate si Erik ng ika-10 taon niya sa showbiz. Kaya natutuwa siya dahil ni hindi nga raw niya namalayang naka-10 taon na pala siya at ang mga tagasuporta niya eh, hindi nangangawala.

Very thankful si Erik sa pagbuhos ng blessings sa kanya. At kick-off pa lang pala ng kanyang celebration ang paglalabas sa naturang album na bonus nga niyang ihahandog sa mga tagahanga dahil 30 songs sa dalawang CD ang mabibili nila sa halagang P250.00.

Ang susunod na niyang paghahandaan eh, ang major concert niya sometime in November na sa PICC Plenary Hall niya gustong isagawa.

“Marami po ang tumulong sa akin para makarating sa kinalalagyan ko ngayon. My previous management, si Tito Boy (Abunda) at ang mga bago kong Kapamilya, ang Cornerstone Talent Management ni Erickson Raymundo ang staff. Sa patuloy na pagtitiwala sa kakayahan ko bilang isang singer. Na hindi sila nagsasawang bigyan ako ng mga pagkakaabalahan para magtuloy-tuloy pa rin ang pag-ikot ng musika ko para sa mga nakaka-appreciate nito.”

Hindi nga akalain ni Erik na nakakanta na pala siya ng ganoong karaming theme songs sa TV at sa pelikula. At sa 10 taon naman niya, paano niya ito ilalarawan sa isang salita? O anong kanta ang ilalarawan niya rito?

“Love. Dahil sa naging ikot ng career ko, roon umikot ang lahat. Kahit may ups and downs, doon pa rin siya babagsak. Dalawang kanta ‘yung magde-describe ng 10 years na ‘yun. ‘This is the Moment’ at saka ‘I Believe I Can Fly’. Kasi, naipagpatuloy ko ‘yung dream ko kahit may isang moment na sa buhay ko na halos isumpa o kalimutan ko ang pag-kanta dahil napahiya ako sa Papa ko. Noong sumali ako sa isang contest at sa kalagitnaan ng kanta ko, nakalimutan ko ang lyrics. Na-boo kasi ako. Napahiya ang tatay ko. Pero ‘pag nasa puso at kaluluwa mo na talaga, mahirap na mabura. Nag-boy band pa ako. Tapos, sumali-sali na sa contests.”

Nauusisa na rin si Erik sa mga intrigang matagal nang ikinabit sa pagka-tao niya. Ang mga pagdududa sa kanyang kasarian. Ang gay issue!

“Noong una naapektuhan ako. Ngayon, hindi na. Anuman ang marinig ko o makita o mabasa, hindi ko na pinapansin kasi hindi mo nga mapi-please ang lahat. Kung ‘yun na ang pinaniniwalaan ng iba, kahit anong sabihin mo, kung ano ang gusto nila, ‘yun pa rin ang paniniwalaan nila.”

souce: HATAW

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s