Erik Santos gives self three to five years to have his own family; prefers non-showbiz

Erik Santos gives self three to five years to have his own family; prefers non-showbiz
Pep.ph
by Ava May Robles posted on September 10, 2013

2013-09-10_235443

Ang kulang na lang daw sa personal na buhay ngayon ni Erik Santos ay ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.

“Siguro in the next three to five years, I have to establish my own family na rin, kasi ang hirap ding wala kang [sariling pamilya].

“I mean, kailangan din ‘yon—maka-build ka ng sarili mong pamilya.

“So I’m looking forward to that,” pahayag ng singer sa pictorial ng kanyang upcoming 10thanniversary concert na may titulong InTENse na gaganapin sa PICC Plenary Hall sa November 9.

May idini-date ba siya ngayon?

“Ngayon, wala na ulit. Wala, gano’n talaga,” tugon niya.

Lahad pa ng Prince of Ballad, mas gusto niya ang non-showbiz para hindi raw takaw-intriga.

“Nagdi-date naman ako. Hindi ko lang… siyempre hindi ko lang [binu-broadcast], they’re private people, e.”

Nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers kung bakit hindi nag-work out ang pinakahuli niyang niligawan, sabi ni Erik, “Siguro hindi lang talaga swak.”

Naghahanap ba siya ng special someone?

“Yeah, I can say,” sagot niya.

THREATENED. Produkto si Erik ng ABS-CBN singing contest na Star In A Million  (2003). Naging mabait sa kanya ang music industry at bukod sa tag na Prince of Ballad, kilala rin siya bilang boses sa likod ng mga theme songs ng teleseryes ng Kapamilya network.

Threatened ba siya sa tuwing may ipakikilalang bagong singer na galing din sa singing competition?

“Honestly, yes, oo naman, oo naman,” pag-amin ni Erik.

“Siyempre, lalo sa ngayon, yung platform sa showbiz, people come and go.

“Ang daming gustong mag-artista, ang daming reality shows, ang daming singers.

“Pero kailangan lang talaga yung palagi lang may ibinibigay ka sa tao at palaging may bago dun sa ibinibigay mo.

“Tini-take ko talaga ang chance na ‘to, like having almost every year, may mga live shows, concerts like this, para yung mga tao, lagi kaming nakikita sa TV.

“Pag nakikita kami sa ASAP, ilang lines lang yung nakakanta namin, so tini-take ko talaga ang mga ito para magkaroon ng shows para makita nila what I can offer pa.”

OPEN TO ACTING. Nakaarte na si Erik sa dalawang episodes ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya, at inamin niyang bukas siya sa pag-arte.

Sabi niya, “Kung mayroon mang offer na maganda in the future, why not?

“I mean, ten years naman akong kanta nang kanta, why not? Para maiba naman.

“Iba yung experience, yung magkakabisa ka ng script; iiyak ka, tatawa, iiyak. Iba rin ‘yon.”

Matapos ang isang dekada sa industriya, ano pa ang hangad ni Erik para sa kanyang career?

Tugon niya, “Ang goal ko talaga is to stay in the business, like sina Gary [Valenciano], Martin [Nievera].

“Until now, people are still raving about their music, people still watch their shows.

“Twenty, thirty years from now, sana ganun pa rin ako.

“Look at Basil Valdez, hanggang ngayon binibili ang album niya, hanggang ngayon nagre-record siya ng kanta.

“Sana ganun din ako.”

Para sa kanyang concert sa November, sinabi ni Erik na lubos na ang kanyang ginagawang preparasyon

Kabilang sa kanyang special guests ang apat na babaeng malapit daw sa kanyang puso: sina Regine Velasquez, Pops Fernandez, Angeline Quinto, at Ai-Ai delas Alas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s