Erik Santos admits he feels pressure from questions asking when he’s getting married

Erik Santos admits he feels pressure from questions asking when he’s getting married
Peo.ph
by Bernie V. Franco posted on October 11, 2013

erik santos

Inamin ni Erik Santos na nagkaroon ng kumpetisyon noon sa ibang miyembro ng ASAP Champions na kinabibilangan niya, kasama sina Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista, Jed Madela, Yeng Constantino.

“Dati meron… Pataasan kayo, e. Di ko naman pwedeng sabihin na wala, ang plastic ko naman kung wala,” paliwanag ni Erik sa press conference ng kanyang upcoming 10th anniversary concert, na gaganapin sa November 9 sa PICC Plenary Hall.

“Kailangan kapag may hit song yung isa, dapat merong mas maghi-hit [kang kanta],” sabi ng singer.

INSECURE BESIDE CHRISTIAN. Sa mga nakasama niya sa Champions, kanino siya pinaka-nainsecure?

“Ako, dati kay Christian Bautista… dati talaga,” prangkang sagot ni Erik.

Naging grand finalists sina Erik at Christian sa Search for the Star in a Million ng ABS-CBN noong 2003.

Si Erik ang itinanghal na grand champion habang 3rd runner-up naman si Christian.

Pagkatapos noon ay pareho silang nabigyan ng magandang break sa music industry.
z
“Kasi, siyempre, si Christian yung ka-batch ko. Tapos pag siya yung may sikat na kanta, siya yung nasa Indonesia. ‘Bakit ganon? Ako yung champion, siya yung sikat sa Indonesia?’

“May mga ganon ako before,” pag-amin ni Erik.

“Alam niya ‘yon, sinasabi ko sa kanya, and siya rin sinasabi niya sa akin.

Gayunpaman, nilinaw ni Erik na nalampasan na niya ang estadong ito.

“At the end of the day, yung sustainability is the name of the game. Yung papaano mo ime-maintain yung career mo at kung sino yung tatagal.

“Siguro kung may competition man, healthy competition. More on suportahan kami.

“Mas nagpo-focus ako sa mga gagawin ko pa at yung mga kaya ko pang gawin.”

ADMIRATION FOR RACHELLE ANN. Hindi lang sa career nagkaroon ng kumpitensya sa pagitan nina Christian at Erik.

Pareho silang nagkaroon ng pagtingin kay Rachelle Ann Go, na naging kasamahan nila sa ASAP noon.

“Nagpaalam naman sa akin si Christian before,” ani Erik, patungkol sa pagligaw kay Rachelle Ann.

“Ang dami kasing may crush kay Rachelle Ann noon.”

Kalaunan, naging magkasintahan sina Christian at Rachelle Ann.

Pasintabi ni Erik sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi na raw siya nahihiyang ikuwento ito dahil nasa malayong nakalipas na raw ito.

NO PLANS TO PURSUE RACHELLE ANN. Patanong ngunit patukso namang tinanong si Erik ng press kung wala ba siyang balak ligawan si Rachelle Ann ngayong pareho na silang single.

Bilang sagot, nagkuwento si Erik ng pagkakaibigan nilang mga singers: “Kasi ngayon, mas established na yung friendship namin.

“Alam niyo, every month kailangan nagkikita kaming lahat. Every day nag-uusap kami.

“Ganun yung level ng friendship namin—Christian, Mark, Rachel, yung Champions… kahit si Sarah.

“Kahit nung nagda-The Voice [of the Philippines] si Sarah, talagang magkakausap kami.

“‘Guys suportahan niyo ‘ko, sino bang pipiliin ko?’ Yung gano’n. ‘Panoorin niyo naman yung The Voice kasi pareho silang magaling. Sino ba talagang isasampa ko for grand finals?’” kuwento ni Erik na tinatanong sa kanila ng Popstar Princess.

FEELING THE PRESSURE. Natanong si Erik sa mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.

“Syempre, gusto ko maganda. Syempre, gusto naman pag gigising ka sa umaga, ang ganda ng makikita mo.

“Tsaka kasi ngayon ang hirap maglaro…”

Sundot ng PEP, hindi ba siya napi-pressure kapag tinatanong siya tungkol sa pagkakaroon ng relasyon at pagpapakasal?

“Napi-pressure ako kasi marrying age din naman ako,” pagtatapat ng 31-anyos na binata.

“Buti na lang nasa showbiz ako, may reason ako…,” aniya, na ang tinutukoy ay maaari siyang magdahilan na career ang prayoridad niya.

“Naghahanap naman ako, naghahanap talaga ako. Nagdi-date naman ako, hindi naman mawawala sa ‘kin ‘yon, e.

“Yung mga nadi-date ko non-showbiz, siguro hindi lang talaga ukol.

“Yung hinahanap ko kasi pangmatagalan na. Pag may nakikita siguro na parang feeling ko di kami magkakasundo… naging mapili na ako.”

Ani Erik, tatlo hanggang limang taon mula ngayon ay plano na niyang lumagay sa tahimik.

THE CONCERT. Bigatin ang mga makakasama ni Erik sa kanyang InTENse concert sa November 9. Kabilang dito sina AiAi delas Alas, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Pops Fernandez, at Regine Velasquez.

Sa nakaraang interview sa kanya, sinabi ni Erik na malaki ang naging kontribusyon ng mga panauhin niyang ito sa takbo ng kanyang career.

“Nakakatuwa lang kasi hindi ako nahirapan na i-invite sila. Yung isang sabihan lang, they said yes right away.

“So naramdaman ko yung significance ko sa kanila.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s