Gusto ko ring magkaroon ng sariling pamilya – Erik Santos

Gusto ko ring magkaroon ng sariling pamilya – Erik Santos
balita.net.ph
Oct 14th, 2013
Ni Reggee Bonoan

ERIK Santos
GUSTUNG-GUSTO naming nakakatsikahan si Erik Santos dahil napaka-sincere niyang tao at ramdam namin na kahit na gusto niyang itago ang tungkol sa personal na buhay niya ay naikukuwento pa rin niya sa amin dahil feeling niya ay trusted niya kami, ha-ha-ha kahit na madalas natin siyang ibuking, di ba, Bossing DMB?

(,Buti naman at ‘di ka nadadala sa amin, Erik! Ha-ha-ha! -DMB)

At last Friday sa presscon niya para sa kanyang InTENse: A Decade with the Prince of Pop na gaganapin sa November 9 sa PICC Plenary Hall, diretso namin siyang tinanong kung totoo bang nai-insecure siya sa kapwa niya male singers tulad nina Jed Madela, Christian Bautista, Mark Bautista at iba pa. Mahirap para sa isang singer na amining insecure siya, pero iba talaga si Erik Santos.

” Ako kasi, lumampas na ako sa stage na ‘yan,” pag-amin niya.

Dati ba meron?

“Dati meron, pataasan kayo, eh, may ganu’n, eh. Di ko naman puwedeng sabihin na wala, ang plastic ko naman kung wala, siyempre ganu’n, eh. “Kailangan kapag may hit song ‘yung isa, dapat merong mas maghihit … ‘yung ganu’n. At the end of the day, ‘yung sustainability is the name of the game. Kung baga, kung paano mo i-maintain ‘yung career mo at kung sino ‘yung tatagal,” magandang paliwanag ng binatang singer.

Kanino siya na-insecure nang husto dati?

“Ako, dati kay Christian Bautista,” walang abog na sabi ni Erik at idinugtong na hindi na ngayon dahil umalis na si Christian
sa ABS-CBN.

“Dati talaga, kasi siyempre, si Christian ‘yung ka-batch ko, ‘tapos kapag may mga sikat siyang kanta, siya ‘yung nasa Indonesia, parang bakit ganu’n, ako ‘yung champion (2003 Search for Star In A Million) ‘tapos siya ‘yung nasa Indonesia, ‘yun ganu’n.

“May mga ganu’n ako before and alam niya ‘yun, sinasabi ko ‘yun sa kanya at siya rin sa akin, sinasabi rin niya sa akin. This time wala. Siguro kung may competition man, healthy competition, more on nagsusuportahan kami, eh,” aniya pa.

Paano niya ginamit ang insecurities niya para gumaling siya bilang performer?

“Feeling ko, mas nag-mature ‘yung pananaw ko sa buhay at ‘yung performance ko, the way I sing, feeling ko mas nag-mature ako. Kasi ang hirap labanan nu’n (insecurity), kasi ‘yung iba lumilitaw sa attitude, eh. Ako, hindi ko kaya ‘yun, wala akong ganu’n. Na-outgrow ko ‘yun. Siguro sa sarili ko na lang na kapag ‘yung kanta ko hindi naghi-hit, ‘yun na lang ang parang insecurity ko, hindi na ako tumitingin sa mga achievements ng mga kasabay ko. Mas nagpo-focus ako do’n sa gagawin ko pa at mga kaya ko pang gawin,”

Nalaman din namin na una palang nagkagusto si Erik kay Rachel Anne Go, pero sa hindi malamang dahilan ay hindi natuloy ang panliligaw niya at naunahan na siya ni Christian na nagpaalam namandaw.

“Nagpaalam naman sa akin si Christian before. Ang dami kasing may crush kay Rachelle Anne noon,” sabi ng singer.

Wala na ba siyang planong ituloy ang panliligaw kay Rachel Ann ngayong matagal na itong walang relasyon kay Christian?

“Kasi ngayon, mas established na ‘yung friendship namin ng mas mature, parang … (malabo) . Alam n’yo, every month kailangan nagkikita kaming lahat. Ganu’n kami, mer on kaming chatroom, every day nag-uusap kami. Ganun ‘yung level ng friendship namin, Christian, Mark, Rachel, ‘yung champions, kahit si Sarah.

“Like kahit nu’ng nagda-The Voice siSarah, talagang magkakausap kami. ‘Guys suportahan n’yo ‘ko, sino ba’ng pipiliin ko?’ Yung gano’n. ‘Panoorin n’yo naman ‘yung The Voice kasi pareho Silang magaling. Sino ba talagang isasampa ko for grand finals?’” kuwento ng binata.

Samantala, bakit sa PICC gustong mag-show ni Erik, eh, pawang sosyal ang mga nanonood doon samantalang pangmasa ang packaging ni Erik lalo’t siya ang kumakanta ng theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN?

“Kasi sabi ni Erickson (Raymundo, manager niya) may market din pala ako na mga nanay at mga lola na gusto nilang marinig at nakaupo, uupo lang sila at magrerelax at kakantahan at manonood.

“Siyempre, sinu-survey din namin ‘yan, and I want to conquer PICC kasi ‘yun ang venue na hindi ko pa (napagtatanghalan), first time kong mag-PICC,” paliwanag ni Erik.

Kung PICC, dapat may orchestra.

” Ay, hindi ko kaya, masyadong mahal na kasi, siyempre bilang producer, gusto rin naming kumita pero may strings (instruments) din naman, siguro sa susunod (may orchestra na),” sagot niya.

May bagong mapapanood kay Erik sa PICC concert niya.

“Sasayaw ako with the G Force, hindi naman ako dancer, pero susubukan ko para maiba naman.”

Ikinuwento namin kay Erik na puring-puri siya ng dati niyang manager na si Boy Abunda noong nasa Backroom pa siya. Mabait na talent daw ang Prince of Pop.

“Talaga? Ano pa sinabi ni Tito Boy? Dali, kinikilig kasi ako. Malaki ang utang na loob ko du’n at sobrang nagpapasalamat ako sa kanya sa lahat-Iahat,” nakangiting sabi ni Erik.

Pabirong sabi namin kay Erik, magaling siyang singer, magaling na negosyante dahillahat ng prinodyus niyang shows/ concerts ay kumita, mabait ding anak at good provider, pero sa isang bagay lang siya hindi nag-i-excel, sa pagkakaroon ng
girlfriend.

“Oo nga, bakit nga ba ganu’n? Siyempre gusto ko na ring magkaroon ng family ko, mga three to five years from now,” pag-amin ng binata.

May mga nakaka-dinner date raw si Erik pero hindi nagwo-work out.

” Alam mo, kapag may dinner date ako, ikaw ang nasa isip ko, kasi baka makunan mo kami ng picture, kasi halos lahat nakikita mo at nalalaman mo,” tumatawang sabi ba naman. “Kaya ‘pag may mga ganyan, naiisip kita.”

May wish ang Prince of Pop: “Sana lahat ng nakasama ko sa ten years ko, makasama ko sa show, manood po kayo, ikaw (kami) huwag kang mawawala, ha? Okay lang na laitin mo ang show ko, okay lang kasi ganyan ka naman, Ate Reggee, eh! Basta dapat nandoon ka.”

Samantala, almost sold out na ang tickets sa InTENse concert ni Erik with guests Ai Ai de las Alas, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Pops Fernandez, at Regine Velasquez.

Katuwang ni Erik ang Cornerstone sa pagpo-produce ng show with major sponsors SM Accessories, Advance Aesthetics, Let’s Face it, Systema Tooth and Gum Care, Qualibet Testing Services Corporation, Carrington Inc and Progressive Laboratories, minor sponsors naman ang Calayan Surgi Center at Goki’s Gym at ang Bosom Buddies ang benefi ciary ng nasabing concert.

Advertisements

One thought on “Gusto ko ring magkaroon ng sariling pamilya – Erik Santos

  1. what a way to answer.. very sincere, very true to his feelings.. mabuhay ka idol erik.. i’m already a mother and a lola, pero tumitili pa rin ako sau.. i will surely watch your show at PICC.. i have my tickets already (will be watching with my daughter). di ko ‘to pwedeng palagpasin.. good luck and God bless you and your show..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s