ERIK SANTOS payag magkadyowa ng chaka: Basta mahal na mahal ko!

ERIK SANTOS payag magkadyowa ng chaka: Basta mahal na mahal ko!
By Julie Bonifacio
Bandera
October 16th, 2013


All-out ang ginawang pagdamay ng Prince of Pop na si Erik Santos kay Angeline Quinto nu’ng namatay ang ama ng female singer. Isa si Erik sa maagang nagpunta sa burol hanggang sa misa na ginanap nu’ng huling gabi.

Kaibigan lang daw talaga niya si Angeline. Mas click daw sila as friends. In fact, isa si Angeline sa mga guests sa concert ni Erik sa PICC on Nov. 9 na we heard soldout na ang VIP seats.

Sa ngayon, naghahanap na raw siya ng bagong babae na mamahalin.  “Gusto ko maganda. Syemre gusto ko naman every time gigising ako sa umaga, ang ganda ng makikita mo.

Saka ang hirap nang maglaro sa age ko,” tsika ni Erik sa presscon ng big concert niya titled “InTENse: A Decade with the Prince of Pop.”

Inamin ni Erik na napre-pressure siya kapag tinatanong ng mga tao tungkol sa lovelife niya.  “Napre-pressure ako kasi marrying age na rin ako. Buti na lang nasa showbiz ako, may reason ako na, busy ganoon.

Pero ano, naghahanap naman ako, nagdi-date rin ako. Hindi naman ‘yan nawawala sa akin. And ‘yung  mga nadi-date hindi taga-showbiz.

“Siguro hindi lang talaga ukol and ‘yung hinahanap ko kasi pangmatagalan. Kapag may nakikita siguro ako na parang feeling ko hindi kami magkakasundo, hindi ko na tinutuloy. Ang bad ko ba? Naging mapili na ako,” esplika niya.

Okey lang sa kanya na mapunta sa isang chaka sa pagiging mapili niya basta mahal daw niya. Mas feel ni Erik na maging girlfriend ang isang non-showbiz na professional.

Kung hindi kami nagkakamali, dentist ang last girlfriend ni Erik na nangakong manonood ng concert niya sa PICC. Anyway, ang management niya na Cornerstone  ang nag-produce ng “InTENse” na ididirek ni Johnny Manahan at musical director si Homer Flores. So, buy na ng tickets and watch the concert.

( Photo credit to Google )

Advertisements