Sorry sa mga chaka, magandang babae ang type ERIK naghahanap na ng asawa: Ayoko ng laro, gusto ko seryoso!

Sorry sa mga chaka, magandang babae ang type
ERIK naghahanap na ng asawa: Ayoko ng laro, gusto ko seryoso!
By Ervin Santiago
Bandera
October 13th, 2013

erik santos
INAMIN ni Erik Santos na nalampasan na nila ni Angeline Quinto ang “getting to know each other” stage – ibig sabihin, more than friends na sila at papunta na sa pagiging magdyowa.
er
Sa presscon kamakailan ng nalalapit na 10th anniversary concert ni Erik, ang “InTENse: A Decade With The Prince of Pop” na gaganapin sa Nov. 9 sa PICC Plenary Hall, sinabi ng singer na napakaespesyal sa buhay niya si Angeline, pero hindi niya diretsong masabi na nililigawan niya ito.

Ayon kay Erik, matagal na silang magkakilala ni Angeline at marami na rin silang pinagdaanan, pero nakiusap siya na hanggang du’n na lang muna ang pwede niyang sabihin.

At naniniwala siya na espesyal din siya kay Angeline. Samantala, inamin din ni Erik na nagkaroon talaga ng competition noon sa pagitan ng ASAP Champions na kinabibilangan niya, kasama sina Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista, Jed Madela at Yeng Constantino.

“Oo, dati meron… Pataasan kayo, e. Di ko naman pwedeng sabihin na wala, ang plastic ko naman kung wala,” paliwanag ng singer. Dagdag pa niya, “Kailangan kapag may hit song yung isa, dapat merong mas maghi-hit (ang kanta mo).”

Kasabay nito, mas na-insecure raw siya noon kay Christian, “Ako, dati kay Christian Bautista…dati talaga,” diretsong pag-amin ni Erik.

Kung matatandaan sabay na nakilala ang dalawa nang maging magkalaban sa Search for the Star in a Million ng ABS-CBN noong 2003. Si Erik ang nanalo at 3rd runner-up naman si Christian.

“Kasi, siyempre, si Christian ‘yung ka-batch ko. Tapos pag siya yung may sikat na kanta, siya ‘yung nasa Indonesia. ‘Bakit ganon? Ako ‘yung champion, siya ‘yung sikat sa Indonesia?’ May mga ganoon ako before,” chika pa ng binata.

“Alam niya ‘yon, sinasabi ko sa kanya, and siya rin sinasabi niya sa akin,” pahabol pa niya. Pero ngayon daw ay wala na siyang napi-feel na anumang inggit or insecurity sa ibang singer, “Kasi at the end of the day, ‘yung sustainability is the name of the game.

‘Yung papaano mo ime-maintain ‘yung career mo at kung sino ‘yung tatagal. “Siguro kung may competition man, healthy competition. More on suportahan kami.

Mas nagpo-focus ako sa mga gagawin ko pa at ‘yung mga kaya ko pang gawin,” hirit pa ng Prince of Pop. Nilinaw naman ni Erik ang balitang balak niyang ligawan uli si Rachelle Ann Go na balitang naging apple of the eye rin niya noong magkasama pa sila sa ABS-CBN. Talaga raw magkaibigan na lang sila.

“Kasi ngayon, mas established na ‘yung friendship namin. Alam niyo, every month kailangan nagkikita kaming lahat. Every day nag-uusap kami. Ganu’n ‘yung level ng friendship namin — Christian, Mark, Rachel, ‘yung Champions… kahit si Sarah.

Pero ano ba talaga ang hinahanap niya sa isang babae? “Siyempre, gusto ko maganda. Siyempre, gusto naman pag gigising ka sa umaga, ang ganda ng makikita mo.

Tsaka kasi ngayon ang hirap maglaro, siyempre gusto ko seryosohan na.” Matinding pressure na rin ang napi-feel niya ngayon kapag natatanong tungkol sa pag-aasawa, “Napi-pressure ako kasi marrying age rin naman ako.

Buti na lang nasa showbiz ako, may reason ako. Naghahanap naman ako, naghahanap talaga ako. Nagdi-date naman ako, hindi naman mawawala sa ‘kin ‘yon, e.

Dugtong pa ng binata, “‘Yung mga nadi-date ko non-showbiz, siguro hindi lang talaga ukol. ‘Yung hinahanap ko kasi pangmatagalan na. Pag may nakikita siguro na parang feeling ko di kami magkakasundo…naging mapili na ako.”

Pero aniya, baka raw after two to three years ay mag-asawa na rin siya. Samantala, puspusan na rin ang paghahanda ni Erik para sa kanyang anniversary concert, in fairness, naka-10 years na rin pala siya sa industriya.

Makakasama ni Erik bilang special guests sa kanyang “InTENse” concert sina Ai Ai delas Alas, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Pops Fernandez at Regine Velasquez with the G Force.

This is directed by Johnny Manahan sa musical direction ni Homer Flores. “Nakakatuwa lang kasi hindi ako nahirapan na i-invite sila. ‘Yung isang sabihan lang, they said yes right away.

So naramdaman ko yung significance ko sa kanila,” chika pa ng binata. Para sa ticket inquiries, tawag lang sa Ticketnet, 911-5555.

( Photo credit to Google )

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s