PICC concert ni Erik Santos, ngayong gabi na

PICC concert ni Erik Santos, ngayong gabi na
Posted by Online Balita on Nov 9th, 2013
Balita.net.ph
Ni Charina Clarisse L. Echaluce

erik santosBILANG pagdiriwang sa kanyang isang dekada nang pamamayagpag sa entertainment industry, may concert ngayong 8:00 PM ang Prince of Pop na si Erik Santos sa PICC Plenary Hall.

Pinamagatang InTENse: A Decade with the Prince of Pop, makakasama ni Erik ang special guests niya na sina Yeng Constantino, Angeline Quinto, Ai Ai delas Alas, Pops Fernandez at Regine Velasquez, at may special participation ang G-Force.

Nagsimula ang career ni Erik nang sumali siya sa Star in a Million singing reality talent-search ng ABS-CBN noong 2003. Nang tanghal siyang kampeon mula sa pagiging wildcard finalist ay nagsimula na ang kanyang pamamayagpag bilang mang-aawit.

Dahil sa malakas na benta ng kanyang albums ay pinagkalooban siya ng platinum awards, naging matagumpay ang concerts, at nagkamit din ng awards at recognitions mula sa award-giving bodies. Pinalawak din niya ang kanyang career sa pamamagitan ng pagho-host at pag-arte.

Ilan sa mga pinasikat na awit ni Erik ang This Is The Moment, I’ll Never Go, Pagbigyang Muli, Kulang Ako Kung Wala Ka, Kung Akin Ang Mundo at My Love Is Here.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s