Erik Santos all set for first movie role via Cinemalaya entry Separados

Erik Santos all set for first movie role via Cinemalaya entry Separados
pep.ph
by Mell T. Navarro posted on May 3, 2014

erik santos cinemalaya

Sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ng singer at tinaguriang Prince of Pop na si Erik Santos ang pag-arte sa pelikula.

Kamakailan ay tinanggap na ni Erik at ng kanyang manager na si Erickson Raymundo ang offer para sa Separados. Ito ay isang official finalist ng Cinemalaya 2014 under the New Breed category, written by Eric Ramos at directed by GB Sampedro.

Lumabas na rin si Erik bilang actor sa television dramas such as Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at maganda naman ang feedback sa acting ng singer, kung kaya’t ayon pa kay Raymundo, matagal na raw talaga gusto ni Erik na gumawa ng pelikula, at ito na ngang Separados ang sa palagay ng kanyang alaga bilang “right material.”

“I like the story and the role, so I also said yes when Direk GB spoke to me,” saad ni Raymundo na manager rin nina Sam Milby, Richard Poon, Yeng Constantino, Markki Stroem at marami pang iba, sa ilalim ng Cornerstone Talent Management.

Ang unang ginawang pelikula ni Direk GB under Cinemalaya noong 2009 ang Astig, na pinagbidahan naman nina Dennis Trillo, Sid Lucero, Arnold Reyes, at Glaiza de Castro.

“Magkaibigan rin sina Erik at Direk GB, kaya na-convince rin siguro siya, at maganda talaga ang istorya kaya nagustuhan namin,” sabi pa ni Raymundo.

ERIK’S ROLE. Ayon naman kay Ramos na screenwriter ng Separados, papel na isang battered husband ang gagampanan ni Erik.

Isa siyang call center agent na ang napangasawa ay ang kanyang mas may edad na lady boss na “overbearing” na sinasaktan siya kapag nagagalit ito sa kanya, kahit sa pinaka-maliit o pinakamababaw na dahilan.

“Erik’s character, Christian, is a boyish call center agent. He married his overbearing and much older boss, who beats him up at the slightest provocation. Finally, he leaves her even if it means going jobless at the same time.

“He appears at the wedding newly employed as a wedding singer,” buong description ni Ramos sa character ni Erik sa pelikula.

EXCITED FANS. Sa Facebook fan page ng Cinemalaya, ipinaramdam ng mga tagahanga ni Erik ang kanilang excitement sa pamamagitan ng pag-comment.

Sabi ng isa (published as is): “Idol ito na un pangarap mo… We are so proud of u..we are so excited to watch that movie..We are here to support u all the way!”

Comment naman ng isa: “Extremely excited for this… Congrats in advance, Pop!”

“Excited and a big good luck to Mr. Erik Santos!” post naman ng isa pang fan.

Anim ang bidang lalaki sa ensemble cast ng Separados—mga lalaking hiwalay sa asawa.

CO-STARS. Isa sa mga kumpirmado rito ay ang award-winning actor na si Ricky Davao.

Si Ricky naman ay gumaganap bilang isang ama na noong middle age nito’y nagdesisyong “magladlad” sa tulong ng isang babaeng kaibigan. Madidiskubre ng kanyang anak na babae ang pakikipagrelasyon nito sa isang troubled businessman.

Ang ibang pangalan—sa major cast man o support—ay on hold pa sa ngayon dahil under negotiation pa, ayon kay Direk GB.

Isa lamang ang Separados sa sampung official finalists ng New Breed section ng Cinemalaya, now on its tenth year, at nakatakdang ipalabas sa Ayala Cinemas at CCP Theaters sa August 1-10, 2014.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s