Erik Santos excited and nervous about acting debut in Separados
by Melba R. Llanera
Pep.ph
May 17, 2014

Prince of Pop Erik Santos on what finally convinced him to try his hand at acting via indie film Separados: “Siyempre naman, it’s my first time to do a movie tapos indie pa, tapos Cinemalaya pa. Ang daming mga critics talaga na manonood. In-offer kasi nila sa akin ito matagal na. Direk GB is a friend so why not, ‘di ba?”
Photo: Noel Orsal
Si Erik Santos ang pinakabagong dagdag sa hanay ng singers na sumabak na rin sa larangan ng pag-arte.
Ayon sa dating Star In A Million grand champion, isang malaking hamon para sa kanya ang makabilang sa kanyang kauna-unahang pelikula, ang Separados.
Kuwento ni Erik sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi maganda yung material and it’s a Cinemalaya entry, so interesting.
“Separados—anim kami dito at isa akong battered husband.
“Kasama ko dito sina Alfred Vargas, Anjo Yllana, Sir Ricky Davao, Victor Neri, at si Jason Abalos.
“Directed by GB Sampedro. May mga twists siya so yun ang dapat nilang abangan.”
NEW CHALLENGE. Anu-ano ang mga preparasyong ginawa niya para sa pelikulang ito?
“Actually, wala masyado. Sa sarili ko siguro, gagamitin ko na lang yung mga experiences ko in the past.
“Yung mga natutuhan ko dun sa mga MMK [Maalaala Mo Kaya] episodes ko,” sabi niya.
Hindi maitago ni Erik ang sobrang excitement sa bagong mundong gagalawan, pero aminado rin siyang nandun ang kaba at takot.
Aniya, “Excited pero nakakatakot din, sobrang bago ito sa akin.
“Bago ito. Direktor na ang bahala sa akin.”
Biro rin niya, “Sabi ko nga, pakantahin na lang nila ako!
“Siyempre naman, it’s my first time to do a movie, ‘tapos indie pa, ‘tapos Cinemalaya pa. Ang daming mga critics talaga na manonood.
“In-offer kasi nila sa akin ito matagal na. Direk GB is a friend, so why not, ‘di ba?
“Wala lang, ita-try ko lang. Malay mo, ‘di ba? Pero ang focus ko talaga is singing.”