Erik Santos and Angeline Quinto not bothered by non-singers who have hit album

Erik Santos and Angeline Quinto not bothered by non-singers who have hit albums
by Rachelle Siazon posted on July 14, 2015
Pep.ph

071415 pep

Hindi maiwasang hingan ng opinyon sina Erik Santos at Angeline Quinto kaugnay ng isyu tungkol sa non-singers na nagli-lip sync kapag nagpe-perform sa musical-variety shows sa telebisyon.

Sina Erik at Angeline ang dalawa sa itinuturing na pinakamahusay na singers sa Pilipinas.

Nag-ugat ang isyung ito sa pahayag ni Rhap Salazar, dating kampeon ng 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA), hinggil sa non-singers na nagli-lip sync at nagkakaroon pa ng record albums.

Read: Rhap Salazar slams non-singers who lip-sync on TV

Bilang mainstay ng ASAP, inamin ng Prince of Pop na may mga pagkakataong pre-recorded ang kanyang song numbers kung mayroon siyang kasabay na non-singers.

Sabi ni Erik, “Actually, hindi naman maiiwasan yun, lalo na every Sunday na sa ASAP kami.

“Lalo na kung ang mga ka-prod [production number] natin, masasabi natin na hindi naman ganun karunong kumanta pero kailangan mag-perform.

“Kailangan din naming mag-adjust for them.

“So, hindi ko masasabing hindi ko kailanman naranasan na mag-lip sync.

“Kasi, sa totoo lang, sa industriyang ito, merong talagang pagkakataon na kailangang mag-lip sync.”

Sa parte ni Angeline, hindi pa raw niya nararanasan na mag-lip sync sa ASAP.

Kung pre-recorded man ang kanyang song number, sinasabayan pa rin niya ito ng live performance.

Pahayag ng 25-year-old singer-actress, “Kung lip sync man, plus one. Pero hindi naman yung buong kanta.”

 

NON-SINGERS WITH HIT ALBUMS. Ganunpaman, iginiit ni Angeline na naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng mga artistang sumabak sa larangan ng pagkanta kahit pa nauna silang nakilala sa larangan ng pag-arte.

Paliwanag ni Angeline, “For me po, unang-una naman kasi, mga artista [kami], so trabaho naman po talaga namin na mag-entertain ng tao.

“Sabi ko nga, marami pong nagtatanong sa akin about sa album ni Maja [Salvador], kasi kahit papa’no po close ko po si Maja.

“So, sobra akong natutuwa para sa kanila, kina Kim [Chiu].

“Sabi ko, wala namang masama dun, kasi trabaho namin yun.

“Kailangan talaga na ma-entertain lahat ng tao.

“Ang importante po, masaya yung mga fans.”

Nakapanayam ng entertainment press sina Erik at Angeline sa presscon para sa kanilang concert na Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum.

Ginanap ang presscon sa Felicidad Mansion sa Quezon City, ngayong Martes ng hapon, July 14.

TOUGH COMPETITION. Aminado rin si Erik na mas mahigpit ang kumpetisyon sa music industry dahil maging non-singers ay nagkakaroon ng sarili nilang record album.

At kung minsan ay mas tinatangkilik pa ang albums ng non-singers dala na rin ng kanilang malaking fan base.

Ngunit sa loob ng labindalawang taon niya sa entertainment industry, tanggap ni Erik ang realidad na hindi lang talento ang sukatan upang makilala ang isang artist.

“Actually, sabi nga nila, OPM is dying, ‘di ba?

“Pero sila [non-singers with hit albums] yung malaking contributor para ma-sustain yung OPM.

“And at the end of the day, they sell, e.

“And if you sell, ang laki ng contribution mo para mas palakasin pa yung OPM.

“For me kasi, hindi lang talaga talent [ang key to make it in the music scene].

“Talent is just part of the whole pie, e.

“Ang daming factors para mabenta ka. Kailangan mo ng good music, maybe luck.”

Bilang singer, sinisikap daw ni Erik na pagbutihin ang kanyang trabaho at makagawa ng albums na papatok sa Filipino listeners. 

Dugtong pa niya, “And for me, more than a problem, it’s a challenge.

“It’s a challenge for me as a singer na mas mag-reinvent pa ako at mas mag-produce pa ako ng mas magagandang music para sa amin din na sinasabi nilang real singers, mas mabenta din po katulad nila [non-singers with albums].” 

Sa kabilang banda, inengganyo ni Erik ang ibang professional singers na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng matinding kumpetisyon sa local music industry.

“It’s a cliché pero ako naniniwala, patience is a virtue talaga. Prayers…

“At kailangan ‘pag naghintay ka, kailangan mo ng paghahanda.

“Hindi porke't nandiyan lang, for example, meron kang darating na project, saka ka pa lang magmamadali to prepare yourself. Hindi ganun, e.

“Hangga’t hindi siya dumadating, kailangan mo i-prepare yung sarili mo para ‘pag nandiyan na, you’re more than ready para mabigyan ng saysay kung ano man yung pinaghandaan mo.

“That’s very important.”

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s