PEPtalk. Erik Santos on real score with Angeline Quinto: “Meron kaming mutual understanding.”

PEPtalk. Erik Santos on real score with Angeline Quinto: “Meron kaming mutual understanding.”
Pep.ph
by Nikko TUazon posted on August 3, 2015

201508032108_00003

Sa August 15 ay gaganapin na ang concert ng Kapamilya singers na sina Erik Santos at Angeline Quinto sa Araneta Coliseum.

Ito ang first major concert ni Angeline sa Big Dome, habang magbabalik naman ni Erik sa Araneta matapos ang kanyang solo concert dito noong 2009.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tinaguriang King and Queen of Teleserye Theme Songs sa pinakabagong episode ng PEPtalk, sinabi ni Erik na maraming dapat abangan sa concert nila ni Angeline na hindi nila madalas ginagawa sa iba nilang shows.

“Actually, it’s a three-in-one concert.

“Para siyang kape ‘di ba? Three-in-one kasi three concert experience in one siya.

“So, parang the first part would be her [Angeline] first major concert.

“Then, yung second half will be my concert.

“Kumbaga, yung pagtungtong ko ulit sa stage ng Big Dome.

“And the last part would be our back-to-back concert.

“Diyan makikita yung pagpalit ng stage design, in a way, medyo mapapalitan.”

Special guests nina Erik at Angeline sa concert ang kanilang mga idolong sina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasid.

Hindi naman mapigilan ni Angeline ang excitement, lalo’t makakasama niya ang kanyang idolo sa stage.

Sabi ni Angeline, “Kahit yata sa panaginip ko noon, hindi nangyari na makasama ko sa concert o maging guest ko sa concert ang ultimate idol ko.”

Ang Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum concert ay ididirek ng Star Magic head na si Johnny Manahan, habang si Homer Flores naman ang kanilang musical director.

REAL SCORE? Dumako rin ang usapan kung ano na nga ba ang tunay na relationship status sa pagitan nina Erik at Angeline.

Matagal-tagal na rin silang nali-link sa isa’t isa ngunit wala pa ring kumpirmasyong kung sila na nga ba.

Read: Erik Santos-Angeline Quinto relationship still a guessing game

Aminado naman si Erik na mas kumportable siya ngayon sa tuwing kasama niya si Angeline.

Paliwanag niya, “Siya yung kaibigan ko na babae na talagang anything, everything, kaya kong ipakita yung sarili ko, yung totoong sarili ko sa kanya.

“Ganun ako kakumportable.”

Ganito rin ang nararamdaman ni Angeline kay Erik, lalo pa’t nakikita nito ang kanyang tunay na personalidad off-cam.

Sabi ng Star Power grand winner, “Pareho din, kasi alam naman po ni Erik yun na siya po talaga yung isa sa mga taong importante sa akin ngayon.

“So, hindi ko po iyon ipinagkakaila at alam naman niya yun.

“Sobrang kumportable ako kasi siguro dahil Star Power pa lang, kasama ko na siya, e, ‘di ba?

“So, ilang taon na rin po, na nabigyan pa ng chance na magkasama kami sa abroad, out of town.

“So, mas lalo kong nakikilala yung off-cam na Erik Santos po.

“At wala naman akong masabi kundi napaka-sweet na tao, napaka-humble na tao, napaka-pogi na tao.”

Nang tanungin naman kung may hinihintay ba siyang bago sagutin si Erik, sabi ni Angeline, “Wala naman, pero medyo personal po kasi talaga, e.

“Siguro, yung sagot po diyan sa tanong niyo, siguro kami na po muna ang nakakaalam sa ngayon.

“Pero kung ready naman na ako i-share, why not po, ‘di ba?”

Sabi naman ni Erik, ayaw muna nilang bigyan ng label ang kanilang relasyon dahil may iba pa silang mga prayoridad gaya ng pamilya at career.

“It needs a lot of maturity sa aming dalawa bago naming masabi na we’re ready.

“Kasi sa ngayon, ang dami pa niyang gustong gawin.

“Ako naman, bukod sa marami akong gusto gawin, marami akong mga obligasyon din, sa career, sa family.

“Ayaw naming masira lang yun ng by just labeling whatever we have right now.

“So, wala munang label.

“Kumbaga, meron kaming mutual understanding.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s