Erik nasa character na maging mabuting asawa

Erik nasa character na maging mabuting asawa
philstar.com (Pilipino Star Ngayon)
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis

erik santosDumating kahapon si Erik Santos sa lunch date namin ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano.

Visible si Erik dahil sa promo ng Greatest Theme Songs, ang two-night concert niya sa Meralco Theater sa August 30 at August 31. Kakantahin ni Erik ang mga sikat na theme song mula sa Broadway, TV, at pelikula.

Tinutulungan ni Mama Pinky si Erik sa promo ng Greatest Theme Songs dahil co-presenter ng concert ang Qualibet, ang company na pag-aari niya at beneficiary ang kanyang foundation para sa mga kababayan natin na may cancer, ang Pinky Cares.

Special guests ni Erik sa Greatest Theme Songs sina Gary Valenciano, Basil Valdez, at Vina Morales.

Mabibili ang tickets sa halagang P2800 – Orchestra, P2000 – LoDge at P800 – Balcony. Sa mga gustong manood ng concert ni Erik, mag-inquire kayo sa TicketWorld ( 891-9999) at SM Tickets (470-2222) para sa ibang mga detalye.

Mukhang loveless pa rin si Erik dahil pagkatapos ng well-publicized love affair nila ni Rufa Mae Quinto, wala tayong nabalitaan na bagong girlfriend niya.

Very lucky ang babae na ihahatid ni Erik sa altar dahil sa nakita ko kahapon, mabait siya at responsible. Nasa karakter niya na magiging mabuting asawa at tatay siya.

Erik Santos, kuwela ang pangongopya kay Nora!

Erik Santos, kuwela ang pangongopya kay Nora!
Abante Online August 15, 2011
Jojo Gabinete

Hindi press release ang balita na sold out at successful ang 2-night concert ni Erik Santos sa Music Museum noong Biyernes at Sabado dahil witness kami sa SRO crowd na nanood ng Power Ikons.

erik santosNasaksihan din namin ang pagkakagulo ng mga tao sa mga celebrity na sumuporta kay Erik. Naawa kami sa bata na muntik nang matapakan dahil nagkagulo ang mga usisero nang dumating si Yeng Constantino kaya isipin ninyo ang naging scenario sa pagsipot ni Sarah Geronimo.

Ang businesswoman na si Pinky Tobiano ang producer ng Power Ikons. Tuwang-tuwa si Pinky dahil hindi nito inaasahan na magiging successful ang concert para sa Bosom Buddies Cancer Foundation.
Medyo mainit sa venue ng concert ni Erik at posibleng epekto ito ng maraming tao o may problema sa aircon units ng Music Museum. Added attraction sa Power Ikons ang pag-akyat sa stage at pagkanta ni John Lloyd Cruz.

Serious singer ang image ni Erik pero ipinakita niya ang “other side” sa kanyang katatapos na concert. Hit sa audience ang mga hirit ni Erik tungkol sa kanyang gender na matagal nang pinagdududahan at ang impersonation niya sa boses ni Nora Aunor.

Binigyan ni Erik ng tri­bute ang mga sikat na female singer nang kantahin niya ang hit songs nina Barbra Streisand, Beyonce, Mariah Carey, Britney Spears etc.

Erik hindi naningil ng TF

Erik hindi naningil ng TF
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis
Pilipino Star Ngayon – August 12, 2011

Tonight na ang concert ni Erik Santos sa Music Museum. Ang aking bestfriend Pinky Tobiano ang produ ng concert para sa mga kababayan natin na nagdurusa sa sakit na cancer.

Bilib na bilib si Pinky kay Erik dahil tinanggap kaagad nito ang benefit concert na inialok niya. Hindi raw mahirap kausapin si Erik dahi nalaman nito na for a good cause ang show.

Pumayag din na umapir sa concert sina Pops Fernandez at Angeline Quinto na nali-link kay Erik. Parehong loveless sina Erik at Angeline kaya sila ang pinagma-match ng fans.

After Rufa Mae Quinto. si Angeline na ba ang girl na future Mrs.Erik Santos? Why not?

Erik Santos performs in a benefit concert

Erik Santos performs in a benefit concert
malaya.com.ph

Multi-platinum singing champion Erik Santos has it in his heart to help.

That is why he will be having his first solo concert for the year called “Power Ikons” on Aug. 12 and 13, 8 p.m., at the Music Museum, to benefit the Bosom Buddies Cancer Foundation.

Cancer survivor Pinky Tobiano is the prime movers behind this foundation which aims to help a lot of other people who have been suffering from the ailment.
Continue reading